^

Punto Mo

FVR Library at Museum, isinusulong ni Bataoil!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

PARA bigyang halaga ang mga nagawang legacy o pamana ni dating Pres. Fidel Valdez Ramos sa bansa, ninais ni Pangasinan 2nd District Rep. Leopoldo Bataoil na ipagpagawa ito ng FVR Library at Museum. Hindi naman maikaila mga kosa na marami ring naiambag si Ramos sa ating bansa, lalo na noong hepe pa siya ng Constabulary, at Armed Forces of the Philippines (AFP) at maging noong Presidente siya. Kaya minabuti ni Bataoil na ang FVR Library at Museum ay ipatayo sa hometown nito sa Asingan o maging sa kanyang birthplace sa Lingayen, Pangasinan. Kaya’t hinihirit ni Bataoil sa kanyang mga kapwa pulitiko sa Kongreso o maging sa Senado ang mabilisang pagpasa sa House Bill No. 8367 na ang layunin ay ang pagpapatayo ng FVR Library at Museum para siguraduhing mabigyan pansin o pagkahalaga sa mga nagawa ni Ramos sa bansa. Kung sabagay, malakas pa si Ramos dahil sa edad 90 ay nagawa pa n’yang mag-jogging at maging mag-push-up. Hehehe! Olats tayo d’yan, di ba mga kosa? Kaya kapag natuloy ang proyekto ni Bataoil, magiging busy si Ramos sa pagbigay ng kanyang mga memorabilia para i-display sa FVR Library at Museum, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Si Ramos mga kosa ay isang retired 4-star general nang tumakbo at nanalo bilang 12th President of the Philippines at alam naman natin kung anu-ano ang mga proyektong sinimulan niya para sa ikaalagwa ng pamumuhay ng mga Pinoy.

S’ya ay kilala bilang isang “Hero ng 1986 EDSA People Power Revolution” na nagpatalsik kay dating Pres. Ferdinand Marcos sa puwesto. “FVR embodies the virtues and inimitable characteristics of a stateman, soldier and citizen,” ani Bataoil. Kung sabagay, ang role ni FVR mula noong panahon na nasa serbisyo pa siya sa militar at maging presidente siya at nasa isipan pa ng sambayanan dahil sa malawak niyang records, publication, writings, letters at essays, at iba pang mga dokumento at nakaukit na sa Philippine history. “His achievements must be properly enshrined and carefully documented for the benefit and knowledge of generations to come,” ang dagdag pa ni Bataoil. Hak hak hak! Walang kokontra rito sa tinuran ni Bataoil para sa Ramos, di ba mga kosa? Tumpak!

Sinabi pa ni Bataoil na ang FVR Library at Museum ay dapat mapasailalim ng pangangasiwa ng National Library of the Philippines kung saan sila lang ang sole custodian o repository nang lahat ng materials at items tungkol kay Ramos. Isama na dapat ang mga libro na may titulong «XYZ Files: Anecdotes, Issued and Controversies and Trivia of Fidel V. Ramos» na na-publish noong Feb. 2007, at 15 Years of RPDEV: A Continuing Voyage for enduring Peace and Sustainable Development na na-publish naman noong nakaraang taon na isinulat ng batikang author na si Mel Velasco, ang biographer ni FVR. Kung sabagay, hindi lang si Ramos ang isinusulat ni Velasco sa libro kundi maging ang kanyang family members, FVR organizations at ang Ramos Peace and Development Foundation Inc. (RPDEV). Hak hak hak! Tinitiyak kong mabilis mapuno nang kung anu-anong materials at items ang FVR Library at Museum sa sobrang daming accomplishment ni Ramos sa buhay n’ya, di ba mga kosa?

Kung si Bataoil ang paniniwalaan, ang proyekto niya ay gagawing certified urgent ni President Digong at malaki ang paniniwala niyang mabilis itong makakalusot sa Kongreso kung saan si dating Pres. Gloria Macapagal Arroyo, ang Speaker. Kapag nakalusot na ito sa Kongreso, ang legacy ni Ramos ay mapupunta sa isang establisimento -- katulad ng mga presidential libraries at museums sa United States -- kung saan naka-display ang mga items, memorabilia, books, letters, videos at iba pang mga materials tungkol sa subject. Hehehe! Sinisiguro ni Bataoil na magiging safe, well-protected at promoted ang mga ito dahil sa tulong ng gobyerno. «At the ripe age of 90, FVR continues to soldier on as a senior statesman and a grateful nation owes him a debt of gratitude for his service, honor and duty to our beloved nation,» ani Bataoil. «This FVR Library and Museum is the best gift we can think of to honor his legacy.» Hak hak hak! May kulang pa ba rito mga kosa? Abangan!

FIDEL VALDEZ RAMOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with