^

Punto Mo

EDITORYAL - Nakahanda ba sa pagtama ng lindol?

Pang-masa
EDITORYAL - Nakahanda ba sa pagtama ng lindol?

NILINDOL muna ang isla ng Sulawesi, Indo-nesia at kasunod niyon ay tsunami. Mahigit 900 ang namatay. May lakas na 7.5 magnitude ang lindol na tumama noong nakaraang linggo. Hanggang sa kasalukuyan, marami pang hinahanap at pinaniniwalaang daan-daan pang biktima ang naka­libing sa putik. Marami pa rin umano ang nasa ilalim ng mga naguhong gusali at hotel. Sa rami ng mga namatay, pinagsama-sama na lamang sa isang malaking hukay ang mga bangkay.

Ang Indonesia ay isa sa mga bansa na nasa “Ring of Fire”, kung saan nagkakaroon ng mga paglindol at pagputok ng bulkan. Bukod sa Indonesia, kabilang din dito ang Pilipinas.  Kaya ang paglindol at tsunami sa Sulawesi ay maaaring mangyari rin sa Pilipinas.

Ang tanong: handa ba ang Pilipinas sakali at tumama ang malakas na lindol o “The Big One”? Kamakailan, sinabi ng isang opisyal ng pamahalaan na hindi handa ang pamahalaan sa pagtama ng lindol at iba pang kalamidad. Ginawang halimbawa ang nangyaring pagtama ng Bagyong Ompong sa Nor-thern Luzon kung saan naging dahilan ng landslides sa Itogon, Benguet na ikinamatay nang maraming minero at kanilang pamilya. Nagkaroon din ng pagguho ng lupa sa Naga City, Cebu kung saan marami ring namatay.

Landslides pa lamang ang tumatama at hindi ang malalakas na pagyanig subalit hindi pa sapat ang kakayahan ng pamahalaan para agarang mailigtas ang mga biktimang naguhuan. Walang sapat na equipment para mailigtas ang mga natabunan.

Kapag malakas na lindol ang tumama sa bansa, tiyak na marami ang mamamatay sapagkat walang kahandaan, hindi lamang ang pamahalaan kundi mamamayan mismo. Ayon sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) kapag tumama ang 7 o 8 magnitude sa Metro Manila, mara-ming mamamatay at mawawasak na gusali, tulay, at iba pa. Mapuputol ang komunikasyon. Sinabi naman ng Phivolcs na humigit kumulang 34,000 tao ang mamamatay sa pagtama ng “The Big One”.

Paghandaan ang “The Big One”. Bukod sa pagko-conduct ng regular earthquake drill, maglaan ng pondo ang gobyerno para sa mga makinarya na pang-rescue at paghanap sa mga naguhuan. Kailangang preparado ang gobyerno at mga tao sa pagtama ng lindol.

 

LINDOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with