DAGOK sa Bureau of Customs, Philippine Drug Enforcement Authority at Philippine National Police ang conclusions ng Senate Blue Ribbon Committee, dahil ilan sa pangunahing suspects na sangkot sa pakikipagkutsabahan sa smugglers ng droga ay tauhan nila.
Mabuhay si Flash Gordon!
Ang ipinakitang gilas ni Sen. Richard Gordon na halos mag-isang kumalikot sa katauhan ni BOC Intel. Officer 1 Jimmy Guban para isuka nito kung sinu-sino ang kontak nito sa labas ng BOC na ikinukubli sa Intelligence Work pattern kuno nito. Sa masusing pag-uusisa ni Flash Gordon, naisuka ni Guban sina PDEA Asst. Chief for Administration Ismael Fajardo at dismissed PNP Sr. Supt. Eduardo Acierto dahil sa diumano’y sabwatan ng tatlo sa shabu smuggling. Sobra raw kasi ang yabang ni Guban kaya kinalkal ni Flash Gordon ang background nito pati ang maraming biyahe nito sa abroad na tumugma sa mga petsang dumating ang bawal na mga kargamentos. Sasabit nga!
Lapeña at Aquino, magkaiba ng diskarte
Mas makulay ang imahe ni PDEA chief Aaron Aquino kung ikukumpara kay BOC Chief Isidro Lapeña na datihang PDEA chief, dahil naninindigan ito sa kanyang sinasabi. Nauna nang nagpahayag ang BOC na walang nakitang laman ang mga magnetic lifters na nasakote sa Cavite, pero nanindigan si Aquino na may laman ang mga ito, kaya ipinagpatuloy ang imbestigasyon ng komite ni Flash Gordon.
BOC x-ray division imbestigahan!
Mismong si BOC X-ray Division Chief Atty. Lourdes Mangaoang ang nanindigan na kulang ang ginawang procedures ng mga nangangasiwa nito, kaya malamang na pinagdududahan din na sangkot ang mga loko kaya nakalusot ang kargamentong may shabu na tinrabaho ng consignees for hire na kinuha ni Jimmy Guban. Malamang na ito ang dahilan kung bakit inamin ni BOC chief Sid Lapeña na may tara pa ring umiikot sa bakuran ng Bureau of Customs. Sibakin mo na Sir ang mga loko, enseguida!