^

Punto Mo

Matandang Tinali

Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Wakas)

NAKARATING sina Dong at Joy sa harap ng kubo na magkahawak pa rin ng kamay. Pinagmamasdan nila ang kubo na magiging pugad ng kanilang pagmamahalan. Napakaganda ng kubo na handang-handa na para sa kanilang idaraos na pag-iisang dibdib. Sa kubo na rin gagawin ang reception. Kakaiba kaysa sa ibang wedding reception na ginagawa sa malalaking hotel. Simple lamang ang gusto nila sa pagdaraos ng kasal.

“Sa araw ng kasal natin, dito muna tayo sa bakuran habang ini-entertain ang ating mga bisita. Masarap ditong magpa-picture,” sabi ni Dong habang hawak pa rin ang kamay ni Joy.

“Oo. Ganundin ang gusto ko Dong. Magandang magpa-picture na ang background ay kubo. Ang ganda siguro ng kuha natin.’’

“Oo. Kukuha tayo nang mahusay na wedding photographer para sure na maka-capture ang bawat galaw natin.’’

“Wow! Pagkatapos dito sa bakuran, saan naman ang sunod nating pupuntahan.”

“Aakyat na tayo sa kubo para dun naman magpa-picture. Dun tayo pupuwesto sa bintana. Nakadungaw tayo. Gusto ko magkayakap tayo.’’

“Kinikilig ako Dong.’’

“Pagkatapos ng scene sa bintana, sa salas na tayo kung saan naroon ang pagsasaluhan nating pagkain. Siyempre, picture-picture uli tayo kasama ang mga ninong at ninang at mga kaibigan.’’

‘‘Maligayang-maligaya ako Dong. Parang gusto ko bukas na ang kasal natin.’’

“Huwag kang mainip at sandali na lang at magmamar­tsa na tayo sa simbahan.’’

“Hindi ko akalain na magiging ganito ka-excited ang kasal natin Dong. Hindi ko inaasahan talaga.”

“Pero alam mo Joy mayroon akong isang lalong kinapapanabikan.’’

“Ano yun Dong?’’

“’Yung sandaling tapos na ang kasal at nag-uwian na ang mga bisita. Tayong dalawa na lang ang nasa kubo. Yun ang gusto ko!’’

Napahagikgik si Joy. Alam na niya ang tinutukoy ni Dong.

“’Yung sandaling huhubarin mo na ang trahe de boda mo at ako naman ay ganundin. Magsasanib na ang mga katawan natin. Magiging mainit ang susunod na sandali. Talagang totoo na ang lahat. Talagang tapos na ang pagiging matandang tinali ko, ha-ha-ha!’’

Nagtawa rin si Joy. Totoo na nga na magsasama sila ni Dong at panghabambuhay na. Pagkaraan ng mga mabibigat na problema, natapos din iyon at ang haharapin naman nila ay ang panibagong bukas.

(ABANGAN BUKAS ANG BAGONG NOBELA NI RONNIE M. HALOS NA IGINUHIT PA RIN NI NILO COMODA. HUWAG BIBITIW!)

MATANDANG TINALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with