^

Punto Mo

Matandang Tinali (230)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PARANG mga bata sina Dong at Joy na naghabulan sa tubig. Palibhasa’y noon lamang uli sila nakapaligo makaraan ang di-malilimutang karanasan sa kamay ni Joemari, gusto nilang bawiin ang mga nasayang na araw.

Sinabuyan ni Dong si Joy.

Nagsisigaw naman si Joy.

“Ang lamig Dong! Huwag mo akong sabuyan!’’

“Ayaw mo ha? Lalo kitang sasabuyan, ummmm!’’

Lalong nagsisigaw si Joy.

“Humanda ka Dong, gaganti ako! Gaganti ako!”

“Sige gumanti ka! Ha-ha-ha!’’

Patuloy na sinabuyan ni Dong si Joy.

Maya-maya pa biglang nawala si Dong.

At alam ni Joy na sumisid ito. Noong nakaraang maligo sila, sumisid din si Dong at ang mga paa niya at hita ang pinuntirya. Naglulukso siya sa pagkabigla. Akala niya may kung anong hayop na humawak sa kanyang mga paa.

Ngayon ay tiyak niyang ganun na naman ang gagawin ni Dong kaya nag-ingat siya. Pilit niyang inaninag sa ilalim si Dong.

Hanggang sa makita niya ang paglangoy nito. Malinaw na malinaw kasi ang tubig kaya nakikita niya.

Umatras siya.

Patuloy sa paglapit ang lumalangoy na si Dong.

Hanggang sa maisipan ni Joy na sumisid din. Siya naman ang manggugulat kay Dong.

Eksaktong-eksakto na nagkasalubong sila. Tamang-tama ang pagsalubong ng kanilang mukha.

At talagang pilyo si Dong sapagkat napuntirya nito ang kanyang labi. Sinakmal ng halik ang kanyang labi.

Wala siyang nagawa kundi gantihan ang halik ni Dong.

Naghalikan sila habang nasa ilalim ng tubig.

Masarap pala. Walang kasingsarap!

(Itutuloy)

MATANDANG TINALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with