NGANGA, ang inabot ng halos 300 airport janitress na binola ng illegal recruiter na kumuha ng pera sa kanila sa pangakong makakara-ting ang mga ito sa New Zealand.
Sabi nga, mahigit P1 million ang nadenggoy sa mga janitress.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Kawawa naman.
Nadaan sila sa magandang salita ng illegal recruiter sa pangakong bibigyan sila ng trabaho abroad.
Ang kailangan lamang ay magbigay sila ng P1,200 para sa passpor-ting at P2,500 sa mga medical examinations na gagawin sa mga pobreng alindahaw.
Matapos makapagbigay ng salapi wala na ang kausap nilang bolera.
‘Sila, sila na lamang ang nag-uusap sa nangyaring mapait na karanasan nila.’
Ika nga, tatlong buwan na hindi lumulutang si Mayan sa NAIA .
Sabi nga, up to now!
Parang pelikulang may titulong ‘Ang gumuhong pangarap!’ Ito ang nangyari sa mga biktima. Hehehe !
Ayon sa kuento, may janitress kasi silang nabalitaan na napaalis ng bruhang recruiter na nakapag-trabaho abroad kaya na-engganyo sila.
Wala namang sinisingil na pera o lagay sa kanila upang makapunta sa New Zealand basta ang perang hinihingi ng gaga ay para sa passport at medical examinations daw nila.
Marami ang nahikayat na sumali dahil gustong-gusto makapag-trabaho abroad para lumaki-laki ang sahod nila.
Sinasabing mga bata-bata pa ang kailangan at ang medyo gurang ay wala ng pag-asa. Hehehe!
Ayon sa mga reklamador, isang alyas Mayan Louise, ang nakabola sa kanila at kumuha ng atik nila.
Nagtiwala ang mga pobreng alindahaw kay Mayan dahil tutulungan sila para makakuha ng mga papeles na kailangan going aborad.
May isang supervisor ng mga janitress daw ang sumali at mula noon dahil siya ang pinaka-bossing ng mga janitress siya ang naging contact ng illegal recuiter.
Naku ha!
Ano ba ito?
‘Ang gusto lang ng mga biktima ay maibalik ang salaping naibigay nila kay Mayan.’
Ano ngayon ang mainam?
Bugbugin este mali abangan pala!