^

Punto Mo

I am sorry ni Drew at Mocha, boundary na ba?

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

NAGING kontrobersiyal si Drew Olivar nang kumalat ang video nito na nilalapastangan si VP Leni Robredo na puro pang-iinsulto at malalaswang bintang ng kamunduhan. Naisip kaya ni Olivar kung gaano kasakit sa isang anak na binababoy ang nanay nila?

Kung may pamumulitika man sa likod ng ginagawa ni Olivar, isaalang-alang naman sana ang damdamin ng mga mahal sa buhay ni Robredo. Maawa naman sana siya sa mga menor de edad na anak ni Robredo. Sorry to say, pero mali talaga!

Propaganda hindi maganda pag sumobra!

Umalma rin si dating senador Nene Pimentel at Executive Sec. Salvador Medialdea dahil sa inasal ni Olivar sa may kahalayang PepeDederalismo video na binatikos din ng mga nagsusulong ng federalismo dahil negatibo ang dating nito sa masa. Dito unang humingi ng sorry si Mocha Uson at Olivar sa ginawa nila!

Pipi at bingi, napagtripan din?

Sumagad na ang pasensiya ni Juan dela Cruz nang pati ang sign language na tanging yaman at sagradong gamit sa kanilang komunikasyon sa mundo ng mga may kapansanang pipi at bingi ay gawin na namang komedya ni Olivar. Hindi makatarungan ang ginawang ito ni Olivar, kaya nagsampa sa Ombudsman ang tagapagtanggol ng mga may kapansanan. Pangalawang paghingi ng sorry nina Uson at Olivar sa nagawa nila.

Panakot na bomba, nag-backfire!

Ang pinaka-latest post ni Olivar sa Facebook na baka may bombang sumabog sa rally site ng mga gumugunita sa September 21 declaration of martial law tulad ng nangyari sa Plaza Miranda LP miting de abanse ay ikinaalarma ng PNP, kaya hindi pinalampas ni NCRPO chief Guillermo Eleazar ang ginawa ni Olivar at kaagad ipinatawag ito para imbestigahan. Pangatlong paghingi  ng sorry ni Olivar kasama si Uson. O may susunod pa ba?

LENI ROBREDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with