UMANGAL si DepEd Sec. Leonor Briones sa kasaluku-yang pondo sa kanyang departamento, mula kasi sa P105.46 bilyon para sa 2019 ay ibinaba sa P34.7 bilyon lamang ang ibinigay ng Malacañang. Marami raw kasi ang nasirang schools na sinalanta ng bagyo at mga gamit ng mga mag-aaral dahil kailangan na ng upgrading ang mga ito ayon kay Briones.
Kung tutuusin, ang DPWH talaga ang dapat na pondohan ng Malacañang para sa pagpapagawa ng mga school buildings kasabay ng mga tulay at kalsada, at tanging suweldo at ibang benepisyo ng mga titser, upuan at gamit pang silid-aralan lamang ang asikasuhin ni Briones. Alam din naman ni President Digong na batbat din ng corruption ang DepEd noon pa man dahil sa pakikialam ng mga congressman sa pondong nakalaan dito. Naniniwala na nga si Juan dela Cruz na pera lang ang dahilan kaya sila lumilipat sa partido ng administrasyon. Bullseye ba?
Nasaan ang mga estudyanteng ipinaglalaban ni Briones?
Nanawagan ng volunteers si DSWD Acting Sec. Virginia Orogo sa mamamayan para tumulong sa pag-iimpake ng mga relief goods sa mga operation centers nito, pero tila walang interesadong mga estudyanteng paaral ng gobyerno ang tumalima sa panawagan ng DSWD.
Sa mga ganu’ng panahon dapat naipapakita ng mga scholars ng bayan ang kanilang pakikiisa at pakikidalamhati sa mga nagpapaaral sa kanila para may dahilan si Briones na ipaglaban kayo!
Nagtago ang mga mayor sa takot mahingian?
Nabahag nga ba ang mga buntot ng mayors sa Mt. Province dahil sa takot sa bagyo o natatakot mahingian ng tulong ng kababayan nila?
Madaling nahalata ang pananaguan nila dahil nagtungo sa rehiyon nila si President Digong at mga Gabinete nito para makipagtulungan sa kanila, pero nagtago yata ang mga loko. Hahaha!
Pangit namang sabihin na bumagay tuloy ang regional costumes nila na bahag sa mga kalalakihan, pero ganu’n na nga! Nasan nga ba kayo mga Manong?