^

Punto Mo

Apela ni Digong, sinasalungat ng mga buhong?

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

NAPANOOD ng buong bansa ang disaster monitoring ­eva­l­uations na pinamunuan mismo ni President Digong sa Northern Luzon na sinalanta ng bagyong Ompong at maliwanag na hindi nagkulang ng paalaala ang pamunuan nang nasabing rehiyon para maiwasan ang mga sakuna. Maliit man ang bilang ng mga namatay, malawak naman ang naperwisyong pananim at ari-arian na siguradong makakaapekto sa pambansang ekonomiya lalo na sa pangkaraniwang Pilipino na isang kahig-isang tuka.

May mga miyembro ng Gabinete na puro additional budget ang hinihingi at meron namang approval rating ang inirereport. Walang narinig ang mamamayan na may savings ang departamento nila na maaring gamitin sa panahon ng trahedya. Puro pagpapapel ang inuna ng ibang ka-miting ni Digong kaysa mag-isip ng makabuluhang remedyo. Mga Baga’g nawong!

• • • • • •

Ang kakapal ng mukha o baka manhid lang talaga

Parang sirang plaka na inuulit-ulit ni Digong sa kanyang Gabinete na tulungan siya na sugpuin ang korapsyon sa gobyerno, pero walang narinig ang sambayanan  nang pagsang-ayon at wala ni isa mang suhestiyon kay Digong maliban sa pagpaparagdag ng pondo. Ang masakit, may ilan pa na nagpapatay-mali sa hinaing ng Presidente at tumatayming pa na makahingi ng dagdag pondo. Wala g’yud nahuyaaa!

• • • • • •

Sumpa ng kalikasan at kasuwailan

Sa Itogon, Benguet maraming namatay dahil sa landslide na ang sinisisi ay ang mga open pit mining na nagiging catch basin ng tubig ulan na nagpapalambot ng lupa kaya kapag bumigay ay tila ilog na rumaragasang putik ang resulta. Matagal nang tinutuligsa ito ni dating DENR Sec. Gina Lopez na sa inaasahan ng lahat ay nasibak sa puwesto, dahil marami ang naniniwala na may impluwensiya ang mga bigtime mining company para sibakin si Gina dahil sagabal ito sa mga kuwestiyonableng operasyon ng mga buhong.

Ngayon ay kumilos na si DENR Roy Cimatu para patigilin ang mga minerong salot sa kabundukan na ngayon ay nagkakamal ng sumpa ng kalikasan. Better late than never daw. At least may aksyon. Totoo na ba yan?

DISASTER MONITORING ­EVA­L­UATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with