^

Punto Mo

BOC-Intel officer, sumemplang!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

ARESTADO si Bureau of Customs-CIIS Intelligence officer Jimmy Guban matapos ipag-utos ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Sen. Richard Gordon dahil sa diumano’y akmang paglilinis sa involvement ng SMYD Trading na consignee ng kargamentong naglalaman ng bilyong halaga ng shabu na nasakote ng PDEA at BOC noong Agosto 7, 2018 sa Manila International Container Port (MICP) na karugtong diumano ng kargamentong pareho rin ng descriptions at consignee na nadiskubrehan sa isang warehouse sa Gen. Mariano Alvarez sa Cavite, pero nang buksan ito ng mga tauhan ni PDEA Chief Aaron Aquino ay walang nakitang laman. Ang sabi naman ni Sir Aaron, Meron! Meron! Meron! hahahaha

Binubulag ba si Lapeña ng mga tauhan niya?

Kung hahalukayin ni BOC Comm. Isidro Lapeña ang imburnal ng kalakaran sa bakuran nito, malamang na maubos ang buong team ng Assessment Division sa ilalim ni Depcom James Dy Buco na nag-proseso ng documento ng SMYD Trading magmula sa examiner, principal examiner, principal appraiser at collector. Malamang na masabit din dito ang  X-ray Inspection Project Chief sa MICP sa mga smuggling ng bigas na nakakalusot sa area nito. Kung walang tara eh! bakit may nakakalusot pa?

 Dahil sa manunuhol at matatakaw sa BOC, nabubulag at natututong mambulag ang mga espiya ni Lapeña kaya mabuting kulatain na niya ang mga ito kaagad.

Retokadong dokumento at baluktot na trabaho

Magagaling mameke ng dokumento ang mga broker/middlemen, kaya nga pecadores ang tawag sa kanila na nagmamay-ari ng mga consignees for hire na may sertipiko  ng accreditations kuno na napalitan lang ng maskara pero ang operasyon ay kanila pa rin. Ika nga, sa bawat hakbang ng pagbabago ng gobyerno, one step ahead na binabago rin ng sindikato ang modus nito.

Samakatuwid, puwedeng tumaas ang collection pero meron pa ring controlled tara collection o konsiderasyon sa right connection. Sa mga ultimo, adios!

BOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with