^

Punto Mo

EDITORYAL - Marami nang umaaray sa taas-presyo ng mga bilihin

Pang-masa
EDITORYAL - Marami nang umaaray sa taas-presyo ng mga bilihin

KAUNTI na ang nabibili ng pera dahil sa pagtaas ng mga bilihin. Halos lahat, tumaas na – bigas, sardinas, kape, asukal, gatas at marami pang pangunahing pangangailangan. Kamakalawa, inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na magdadagdag ng suggested retail price sa ilang brand ng sardinas. Madadagdagan ng 50 sentimos ang kasalukuyang presyo ng ilang brand ng sardinas samantalang ang iba ay 25 sentimos.

Pati ang bigas na pangunahing kailangan ng mamamayan, grabe na ang taas presyo. Ang masaklap, mataas na nga ay kulang pa ang suplay nito. Maraming lugar ang sinasabing may krisis sa bigas bagamat sabi ng pamahalaan, walang krisis. Mga rice hoarders umano ang dahilan kaya mataas ang presyo ng pangunahing pagkain sa bansa.

Tumaas ang inflation rate noong Agosto na pumalo sa 6.4 percent ayon sa Philippine Statistics Authority. Ito umano ang pinakamataas sa mahigit siyam na taon. Sinisi naman ni President Duterte si US Pres. Donald Trump sa pagtaas ng inflation.

Pero mas marami ang naniniwala na ang pagtaas ng inflation ay dahil sa ipinatupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na pinatupad noong Enero. Dahil sa TRAIN, mataas ang ipinataw na buwis sa maraming produkto kabilang ang petroleum products. Nagkasunud-sunod ang oil price increase. Kamakalawa, nagtaas nang mahigit P1.00 ang gasoline at diesel. Apat na linggo nang sunud-sunod ang pagtaas. Apektado ang lahat dahil sa oil price increase dahil sa pagdedeliber ng produkto. Sa susunod na linggo, may increase na naman sa gasoline, diesel at kerosene.

Marami nang nasasaktan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Para mapababa ang mga bilihin, suspendihin muna ang excise tax sa petroleum products. Dahil sa malaking buwis na ipinapataw sa petrolyo kaya mataas ang bilihin. Ang pagsuspendi sa tax ang tanging paraan.

Related video:

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with