Kainin ang fresh fruits nang wala pang laman ang tiyan. Makukuha ng iyong katawan ang lahat ng nutrients kung gagawin mo ito.
Ang resulta ng pagkain ng prutas pagkatapos ng meal (may laman na ang tiyan) ay ang mga sumusunod: pagdighay, paghilab na may kasamang pananakit ng tiyan, pakiramdam na laging puno ang tiyan at pangangasim ng sikmura.
Walang prutas na “acidic”. Lahat ng prutas ay alkaline. Nagiging “acidic” lang ang prutas kapag humalo ito sa mga pagkaing dati nang nasa bituka/tiyan. At ang resulta nga ay ang mga binanggit sa number 2.
Kung paninindigan mo ang pagkain ng prutas na wala pang laman ang iyong tiyan, mawawala ang mga problemang sumusunod: pamumuti ng buhok, nakakalbo, bigla na lang inaatake ng nerbiyos at pangingitim ng paligid ng mata.
Kung ikaw ay iinom ng fruit juice, dapat ito ay fresh at hindi dumaan sa “cooking” o anumang processing. Ang pagluluto sa juice o mismong prutas ay nakakasira ng vitamins.
Kung iinom ng fresh juice, dapat ay dahan-dahan ang pag-inom kung saan ang laway mo ay hahalo sa juice bago lunukin.
Kung nais malinis ang loob ng katawan, mag-3 day fruit fast. Basta fresh fruits lang at fresh juice ang kakainin at iinumin sa loob ng tatlong araw.
Karagdagang tips: Maligamgam na tubig o hot tea ang inumin pagkatapos kumain.
Ang pag-inom ng cold water o cold drinks matapos kumain ay magiging dahilan ng sakit. Ang oil mula sa oily foods na kinain ay mabubuo (dahil sa lamig) bilang fats sa loob ng katawan na pagsisimulan sakit.