^

Punto Mo

EDITORYAL - Arestuhin, gahamang negosyante ng bigas!

Pang-masa
EDITORYAL - Arestuhin, gahamang negosyante ng bigas!

MULA pa Enero 2018 nang magsimulang tumaas ang presyo ng bigas. At hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagtaas nito at tila walang ginagawa ang mga kinauukulan kung paano maibabalik ang presyo ng bigas sa dati nitong selling price. Sa kasalukuyan, umaabot na sa P43 hanggang P45 ang kilo ng bigas at grabeng naaapektuhan ang mga kakarampot ang kinikita. Sa ilang lugar sa Mindanao, maraming nagrereklamo na mahal na nga ang bigas, kakaunti o kulang pa ang kan kanilang nabibili. Nasaan na raw ang bultu-bultong bigas na inangkat sa Thailand? Bakit wala silang mabili at kung may mabili man, sobrang taas nito. Paano raw sila kakain?

Nakapagtataka ang nangyayaring ito na halos walong buwan nang mataas ang presyo ng bigas. Sabi naman ni Agriculture Sec. Emmanuel Piñol, ang mga market manipulators ang dapat sisihin sa pagtaas ng presyo. Dapat daw arestuhin ang mga ito. Bakit hindi pangunahan ni Piñol ang pag-aresto? Maaaring alam niya ang mga ito.

Sa aming palagay, maraming gahamang negosyante ang nagtatago ng bigas kaya nagkukulang ang supply. At nagmamahal dahil nga itinatago nila. Ang mga rice hoarders na ito ang dapat hulihin at parusahan.

Sa SONA ni President Duterte noong Hulyo, sinabi niyang kilala niya ang mga rice hoarders at cartels. Kilala rin umano niya ang mga protector nito.

Babala niya sa mga ito, huwag pahirapan ang taumbayan. Tigilan na umano ang ginagawang ito na nagiging dahilan nang pagmahal ng bigas. Huwag na raw hintayin pa ng mga ito na bumagsak ang bigat ng batas. Hindi umano siya mangingimi sa mga ito. Gusto raw niyang maibaba sa P7.00 bawat kilo ng bigas.

Kung nagawa ng Presidente na pangalanan ang mga pulitikong sangkot sa bentahan ng shabu, bakit hindi niya magawang pangalanan ang mga nagho-hoard ng bigas at mga may cartel. Kung talagang gusto niyang basagin ang mga gahamang negosyante ng bigas, ngayon ang pagkakataon para gawin ito. Hindi na niya dapat patagalin pa ang pamamayagpag ng rice hoarders na grabeng nagpapahirap sa mamamayan lalo na sa mahihirap dahil sa walang tigil na pagtaas ng bigas.

Atasan din naman ng Presidente ang Agri department na paunlarin ang mga sakahan sa Pilipinas. Tulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng konstruksiyon ng mga irigasyon, pagbili ng mga binhi at pahiramin ng puhunan para sa kanilang pagpapaganda ng ani.

BIGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with