NOON pa, marami nang Pilipino ang naghaha- ngad na magkaroon ng National Identification. Isang ID na naroon na lahat ang inpormasyon. Naisip na ito noon pa ng ilang administrasyon pero mara-ming tumutol sapagkat lalabagin daw ang karapatan. Kaya walang nangyari sa pagsusulong noon.
Pero ngayon, natuloy din ang pangarap na magkaroon ng national ID. Noong Lunes, nilagdaan na ni President Duterte ang National ID System Act. Sabi ng Presidente, ang seguridad ng bawat Pilipino ang kanyang hinahangad sa pagkakaroon ng National ID.
Sa ilalim ng batas, ang Philippine Statistics Autho-rity (PSA) ang ahensiyang mangangasiwa sa pagbibigay ng unique at permanenteng number ng mamamayan. Ang ID ay magtataglay ng PhilSys number, full name, sex, blood type, marital status, place of birth, photograph, date of birth and address. Mayroon din itong QR code na nagtataglay ng fingerprint information, iris scan at iba pang security measures.
Sa pagkakaroon ng national ID, hindi na kaila-ngang magpresenta nang maraming ID ang mamamayan sa pakikipagtransaksiyon sa anumang tanggapan. Ang national ID na lamang ang dadalahin niya sapagkat naroon na lahat ang impormasyon ukol sa kanya.
Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa pagkakaroon umano ng national ID ay mapapabilis ang pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan. Hindi na magtatagal ang pila sapagkat nasa ID na ang mga impormasyon. Maiiwasan din daw ang identity theft o fraud sa pagkakaroon ng ID. Pati ang red tape sa gobyerno ay hindi na mangingibabaw.
Isa ang National ID System sa makabuluhang nagawa ng Duterte administration at marami ang umaasa na ang pagkakaroon nito ay malaki ang maitutulong sa bawat Pilipino. Panahon na para mabawasan ang hirap na dinaranas ng mga Pinoy sa pagpo-produce nang maraming ID sa pakikipagtransaksiyon.
Bukod sa mababawasan ang red tape at indetity theft, makakatulong din ang pagkakaroon ng national ID para mapigilan ang masasamang gawain ng mga terorista. Sana ay maging maayos ang pagkakaroon ng ID at hindi sana ito mapeke o kaya’y magkaroon ng problema sa hinaharap. Malaki ang maitutulong nito sa mamamayan.