^

Punto Mo

Sticker system ng PNP sa motorcycle riders

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Upang malabanan ang mga riding in tandem criminals, ilulunsad na sa darating na Miyerkules ng PNP ang sticker system sa mga motorcycle riders.

Maganda ang programang ito ng PNP na ayon nga kay PNP chief Oscar Albayalde, magkakaloob ito ng kaukulang proper identification sa mga riders na isang paraan nga para malabanan  ang mga motorcycle-riding criminals.

Ayon kay NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar isasagawa ang pormal na paglulunsad ng proyekto sa darating na Miyerkules sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Boluntaryo ayon sa PNP ang programa at walang babayaran ang mga rider sa makukuha nilang sticker. Maaari ring magtungo ang mga rider sa mga police stations malapit sa kanilang lugar para makakuha ng sticker.

Walang ibang dadalhin kundi kanilang lisensya at rehistro ng kanilang motorsiklo para sa beripikasyon.

Malaki ang mabebenepisyo ng mga rider sa naturang sticker lalo na mga checkpoint dahil kung meron ka ng sticker wala na umanong masyadong abala. Siyempre pa kung wala ka nito asahan na ang mas mahigpit na inspeksyon.

Base sa tala ng PNP mahigit sa 900 na insidente ng pamamaril ang naitalang gawa ng motorcycle riding suspects sa buong bansa. Mula ito Oktubre 2017 hanggang Hunyo ng taong ito.

Nasa 862 ang murder, 71 ang homicide incidents. Umaabot sa 980 ang nabiktima ng may 1,139 na suspects.

Hindi biro ang ganitong mga insidente na gawa ng mga motorcycle riding criminals na dapat talagang mapagtuunan ng matinding pansin.

Karamihan sa mga gamit na motorsiklo ng mga kriminal ay mga nakaw. Baseparin sa rekord umaaabot sa 1,771 na motorsiklo ang naitalang kinarnap ng mga kawatan at 78 lamang dito ang narerekober kaya nga malaki ang posibilidad na ang malaking bilang na hindi pa nababawi ay patuloy na nagagamit sa mga krimen.

Kaya nga ang hinihikayat ng PNP sa mga may-ari ng motorsiklo makiisa sa programa  na isang paraan nga para malabanan ang mga krimeng gawa ng mga motorycle rider o tandem.

CRIMINALS

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with