Pinilit paanakin kahit hindi pa oras ang misis ni North Korean leader na si Kim Jong Un noong 2012 sa pamamagitan ng induced labor. Ito ay upang isabay ang kapanganakan ng sanggol sa saktong petsa ng ika-100 anibersaryo ng North Korean founder na si Kim Il Sung. Tinurukan ang misis ng gamot para humilab ang tiyan at makaramdam ng panganganak.
Sa sobrang dami ng kababaihan sa China noong panahon ng pamumuno ni Mao Zedong, inalok niya kay US Secretary of State Henry Kissinger ang 10 milyong babaeng Tsino na parang namimigay ng sobrang gamit. Ang mga babae raw ay hindi maaasahan sa digmaan at pabigat lang sa kanyang bansa.
Noong 2003, nakakuha ng 650 million dollars ang mga sundalong Amerikano na nakatago sa pader ng palasyo ni Saddam Hussein.
Si Uday, anak ni Saddam, ang pinuno ng Iraq Olympic Committee ang nagpaparusa sa mga atletang natalo. Kung hindi hinahagupit ng latigo ay ibinababad sa poso negro hanggang kapitan ng impeksiyon ang kawawang atleta.
Ang Romanian dictador na si Nikolae Ceau?escu ay nagpagawa ng malaking parliament building sa Bucharest na may balcony para gamitin sa political speeches. Ngunit bago matapos ang building siya ay napatalsik at pinatay. Ang pinakaunang tao na gumamit ng balcony ay si Michael Jackson noong nag-concert siya sa bansa. (Itutuloy)