^

Punto Mo

Mga bagay na hindi ipagtatapat sa iyo ng waiter

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

IBINASE ang mga sumusunod na sekreto sa ipinagtapat ng mga waiters mula sa iba’t ibang restaurant sa US :

Kung magkakasabay-sabay umorder ang mga kostumer ng kape (may oorder ng regular o decaf) after 8 pm sa isang restaurant, malaki ang tsansang pare-parehong “decaf” ang isisilbi sa kostumer. Pagod na ang kitchen staff. Saka na lang papalitan kung may magreklamo, kunwari, honest mistake.

Kung may vegetarian costumer at tatanungin ang waiter kung siguradong vegetable stock ang ginamit sa isang recipe, sasagot sila ng YES kahit hindi sila sigurado.

Huwag mong kakainin ang lemon/orange decoration na nakakabit sa baso ng inorder mong iced tea. Malaki ang tsansa na hindi ito hinugasan.

Huwag mong pagbuntunan ng sisi ang waiter kung matagal dumating ang iyong inorder. Kasalanan iyon ng kitchen staff o kaya, matagal talagang lutuin ang pagkaing inorder mo.

Karamihan sa mga restaurant ay iniipon ang mga tip upang paghatian ng lahat ng staff. Kaya kung hindi ka nag-tip dahil nainis ka sa waiter, kawawa naman yung nagtimpla ng iyong inorder na drinks o yung ibang staff na inayos naman ang kanilang trabaho upang ma-enjoy mo ang mga pagkaing inorder mo.

Iwasang kumain sa restaurant kung holidays at Saturday nights. Super busy day ito sa mga restaurant. Sa sobrang dami ng kostumer, hindi na iniintindi ng kitchen staff ang quality, basta’t ang mahalaga ay maibigay nila ang lahat ng order as soon as possible.

Kung may napansin kang kapintasan—service or food—iwasan ang personal attack. Hindi mo alam kung ano ang puwedeng gawin ng waiter upang makaganti. Halimbawa, may dumudura sa pagkain o takong ng sapatos ang ipinanghahalo sa tea or kape ninyo.

Ang best tipper ay mga middle-class o ‘yung mga taong ang bawat sentimong ginagastos ay kanilang pinaghirapan. Mas kuripot magbigay ng tip ang mga taong likas nang mayaman simula nang sila ay isilang.

To give you an idea kung gaano kalinis ang isang restaurant, tingnan n’yo ang toilet nila. Kung marumi ang toilet, asahan mo, mas marumi pa roon ang kitchen.

WAITER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with