Ang huling tao na nasa isipan natin bago tayo makatulog ay dahilan ng ating kaligayahan o kalungkutan.
Posibleng ikamatay ang kabiguan sa pag-ibig. Ang tawag dito ay stress cardiomyopathy.
Ang sakit na nadadama ng isang binabale-wala ay kahalintulad ng chemical effect ng nasugatan ka nang pisikal.
Mas antukin ang taong sobra sa tulog.
Ang pagpikit ay nakakatulong upang maalaala mo nang malinaw ang nakaraang pangyayari.
Mas mahaba ang dila, mas bukas ang isipan na subukan ang mga bagong bagay.
Ang taong mabilis makahalata ng sarcasm ay magaling bumasa ng ugali at damdamin ng ibang tao.
Ang babaeng mataas ang I.Q. ay nahihirapang makakita ng makakasundong lalaking mamahalin.
Ang bawat cells sa ating katawan ay nagre-react sa bawat bagay na ating iniisip. Kaya ang negative thoughts at nagpapahina ng ating resistensiya na nagreresulta ng sakit.
Mas masaya ang disposisyon ng taong mahilig magpaaraw.