P9 jeepney fare hike
DINAGDAGAN ng LTFRB ng P1 bilang provisional fare ang lahat ng mga pampasaherong jeep sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon kaya naman P9 na ang minimum fare from P8 para sa 4 kilometers pero wala naman taas singil sa succeeding kilometers.
May mga tumutuligsa sa pangyayaring ito dahil ang madlang commuters ang aako sa dagdag singil pasahe imbes na gumawa ang gobierno ng paraan para sa taas gasolina.
Mabigat sa bulsa ng mga inakay este mali mananakay pala ang dagdag P1 fare hike dahil pambili na sana nila ng kendi ito kaya lang medyo natutuwa naman ata ang mga drivers dahil kahit papaano ay nagkaroon ng taas pasahe.
Dapat hindi pa rin mawala ang 20% discount sa mga senior citizens, PWD at siempre sa mga students.
Ano sa palagay ninyo?
Kuntento na ba ang mga drivers sa ginawa ng LTFRB?
Abangan.
• • • • • •
Cebu Pacific at Cebgo
Ibinigay na pala ng Cebu Pacific at Cebgo last Thursday sa pamunuan ng Manila International Airport Authority, ang P245,610,829.00, na kumakatawan sa unrefunded terminal fees o passenger service charge sa unflown tickets.
Ang halaga ay sumasaklaw sa mga unrefunded terminal fees sa may 212,100 international passengers na naglakbay sa panahon ng Pebrero 1, 2015 up to Abril 30, 2018 at 892,800 domestic passengers na umalis last Agosto 1, 2012 to Abril 30 2018.
Nanguna ang Cebu Pacific at Cebgo sa mga airline companies na gumawa nito.
Kaya naman ikinatuwa ito ng MIAA officials at inaasahan din nila na magsunuran ang ibang airline companies para gayahin ito sa lalong madaling panahon.
Matatandaan ang terminal fee ay isinama sa mga tiket para sa mga domestic flights noong August 1, 2012 at sa international passenger service charge ay naisama sa tiket last February 1.2015.
Sabi nga, para hindi na ma-abala ang mga pasahero sa mga pila sa pagbabayad sa NAIA ng terminal fees.
Sa ilalim ng MOA at implementing guidelines para sa PSC integration project, ang air carrier ay kinakailangan mag-remit ng kanilang mga koleksyon batay sa nailipad na mga pasahero.
Ang flown passenger, ay aktwal na bilang ng mga pasahero na sumakay sa flight.
Ang P245,610,829.00 ay hahawakan bilang escrow ng MIAA.
Ang mga pasahero na naglakbay noon Pebrero 1, 2015 to Abril 30, 2018 at 01 August 2012 to April 30, 2018, maaaring kunin ang terminal fee refund sa MIAA Collection Division, Ground Floor, MIAA Administration Building, MIA Road, Pasay City.
Ang mga ito ay pinapayuhan na dalhin ang kanilang mga tiket na may record locator at Valid ID.
Ano pa ang inaantay ninyo?
Punta na!
- Latest