ISA siyang neurologist at psychoanalyst na nagmula sa Austria. Kilala rin siya bilang eksperto sa dream interpretation. Siya ang panganay sa magkakapatid kaya paborito ng ina. Binigyan siya ng ina ng sariling bedroom samantalang nagsisiksikan ang kanyang mga kapatid sa iisang bedroom.
Pero may hinala ang ibang historians, kung bakit naging paborito siya ng ina. Minsan ay may nakausap na manghuhula ang ina ni Sigmund at sinabing ang kanyang panganay ay kikilalanin at dadakilain ng sambayanan pagdating ng araw. Ito marahil ang dahilan kaya siya pinaboran ng ina kumpara sa iba niyang kapatid.
Siya ay nagkaroon ng hindi maipaliwanag na “sexual desire” sa ina dahil sa sobrang pangangalaga nito sa kanya. Inamin niya ito later on, sa kanyang autobiography. Inamin din ni Sigmund na minsan ay nahihiling niyang mawala na sana sa kanilang buhay ang kanyang ama para masolo niya ang pagtingin ng ina. Marami ang nangilabot at na-turn off kay Freud. Pero marami rin ang humanga sa pagiging matapat nito. Pagnanasa lang naman at walang namagitang sex.