‘Last Words’

ITO ang sinabi ng mga sumusunod na tao ilang minuto bago sila malagutan ng hininga:

Thomas Moran na isang mandurukot sa Miami Florida.

Tinagurian siyang “Butterfingers” ng isang news reporter dahil mahusay siyang mandukot. Higit-kumulang na 50,000 wallets  ang kanyang nadukot sa buong panahon ng kanyang career as mandurukot. Ang sinabi niya bago mamatay noong 1971:

“I’ve never forgiven that smart-alecky reporter who named me Butterfingers. To me, it’s not funny.”

James B. Rodgers, isang mamamatay tao

Tinanong siya kung ano ang huli niyang kahilingan ilang minuto bago bitayin  sa pamamagitan ng firing squad sa Utah, USA. Ang sagot niya:

“Bring me a bullet-proof vest.”

Ernest Hemmingway, sikat na manunulat

Sinabi niya ito sa kanyang asawa ilang oras bago isagawa ang pagpapakamatay:

“Goodnight my kitten”

Joan Crawford, Hollywood actress

Napansin ni Joan na nagdadasal ang kanyang katulong na nakapuwesto sa tabi ng kanyang higaan. Sininghalan niya ito:

“Damn it! Don’t you dare ask God to help me!”

(Itutuloy)

Show comments