TALK of the madlang people sa Philippines my Philippines, ang isyu nang pangongotong na ginawa ng mga Chinese Coast Guard sa mga Pinoy mangingisda riyan sa Scarborough Shoal the other week.
Ika nga, iyakan blues ang nangyari sa sama ng loob ng mga nakikilan.
Ayon sa kuento ng mga pobreng alindahaw kinuha ang kanilang magagandang huling isda at pinalitan daw ng mga expired commodities?
Naku ha!
Ano ba ito?
Nangyari ito riyan sa karagatan ng Scarborough Shoal ang pinabayaan o ibinigay nating isla? Hehehe!
Wala naman magawa si Boss Digong kundi ang makipag-usap ang kanyang mga alipores sa Chinese government at ikuento ang nangyayari sa mga fishermen natin.
Kaya naman hihilutin ito ng gobierno para maayos at magkaroon ng kasunduan tungkol sa pangingisda ng mga pobreng alindahaw doon.
Noong panahon ni P. Noy naging matapang ang tayo natin laban sa mga tsekwa pero ano ang nangyari?
Wala rin at lalong hindi nakaporma ang mga pinoy fishermen na manghuli ng isda sa Panatag Shoal.
Sabi nga, tinataboy, binobomba ng mabahong tubig, ni dumaan ay bawal tayo roon at ang pinakamasama ay tinatakot pang raratratin?
Ano ang nangyari?
Sagot - tameme ang P. Noy administration sa naging isyu noon.
Sabi nga, wawa naman!
Marami pa raw nag-advise kay P. Noy kung ano ang magandang gawin pero pang-iisnab lamang ang naging tugon ng mga tsekwa noon?
Hindi kasi kayang kunin sa ‘santong paspasan’ ng gobierno ang usapan dyan sa WPS kundi dapat diplomasiya tulad ng ginagawa ng Duterte administration ngayon.
Sabi nga, sa magandang usapan makukuha ang magadang relasyon!
Abangan.
• • • • • •
Huwag iwan, lagyan ng bantay
May bago ng terminal ng mga jeepneys, white taxi, tricycle at mga colorum sa gitna ng passenger exit gate dyan sa magkaharap na kalsada sa Sales Avenue, ilang hakbang ang layo sa Total gasoline dyan sa may Villamor Air Base, Pasay City.
Aantayin pa ba natin na may mga umangal o magreklamong pasahero na sila ay niloko ng colorum drivers?
Tiyak kapag nangyari ito ang pamunuan ng NAIA Terminal 3 ang tatamaan dito. Maging si MIAA general manager Ed Monreal ay siguradong masasapol dito.
Bakit?
Sagot - sa kapabayaan?
Habang maaga ay dapat kalampagin ang mga barangay officials ang tungkol sa illegal terminal at colorum na nandyan sa kalsada.
Naniniwala tuloy ang ilang taga - airport na may lagayang nangyayari kaya malakas ang loob ng mga drivers na na-kababad dito.
Abangan.