^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag armasan ang mga pari

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag armasan ang mga pari

HINDI magandang tingnan na may baril ang mga pari. Kaya ang pagpabor ng Philippine National Police (PNP) na pagdalhin ng baril ang mga paring Katoliko para maproteksiyunan ng mga ito ang sarili ay hindi katanggap-tanggap. Sa halip na pagdalhin ng baril, proteksiyunan na lamang ng mga pulis ang mga ito na talaga namang tungkulin nila. Ang motto ng PNP ay “to serve and protect”.

Ang balak na armasan ang mga pari ay lumutang makaraang barilin si Fr. Richmond Nilo, 44, noong Linggo habang nagsisimulang magmisa sa Nuestra Señora de la Nieve Chapel sa Zaragoza, Nueva Ecija. Dalawang lalaki ang lumapit sa bintana ng chapel at binaril ang pari. Bumulagta ang pari at namatay. Tumakas ang mga suspek. Ayon naman sa PNP mayroon na silang lead sa mga suspek.

Ikalawa si Fr. Nilo sa mga paring Katoliko na pinatay ngayong 2018. Ang una ay si Fr. Mark Anthony Ventura, 37, na binaril noong Abril 29, 2018 sa Gattaran, Cagayan. Katatapos lamang magmisa ni Fr. Ventura nang lapitan ng dalawang lalaki at pinagbabaril. Hanggang ngayon, wala pa ring naaaresto sa pagpatay sa pari. Palaisipan ang pagpatay kay Fr. Ventura sapagkat wala naman daw itong kaaway at pala-kaibigan.

Noong Disyembre 4, 2017, binaril at napatay din si Fr. Marcelito “Tito” Paez, 72, sa Jaen, Nueva Ecija. Nagmamaneho si Fr. Paes ng kanyang kotse nang pagbabarilin ng riding-in-tandem. Hanggang sa ka-salukuyan, wala pa ring naaaresto sa mga pumatay sa pari. Wala pang lead ang PNP sa killers.

Umalma naman ng Simbahang Katoliko dahil sa mga sunud-sunod na pagpatay. Ayon kay Archbishop Socrates Villegas, unti-unting pinapatay ang kanilang mga pastol at ang kanilang pananampalataya. Hustis­ya ang kanilang hinaing sa pamahalaan.

Ang sunud-sunod na pagpatay sa mga pari ang dahilan kaya plano ng PNP na armasan ang mga pari. Pabor silang magdala ng baril ang mga pari para maproteksiyunan ng mga ito ang sarili.

Hindi maganda ang balak na ito. Tuturuan lamang na maging magulo ang lipunan. Mas maganda kung paigtingin ang police visibility, samsamin ang mga loose-firearms at magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa barangay para malaman ang mga kaduda-dudang tao sa lugar na nasasakupan. Kung magiging masigasig ang PNP sa pagbabantay, walang makakalusot na kriminal.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with