^

Punto Mo

Sapitula, nangakong lulutasin ang kaso ni Eriquel!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NANAWAGAN si Region 1 director Chief Supt. Romulo Sapitula, na huwag muna magturuan dahil sa hindi ito makakatulong sa paglutas ng kaso ni dating La Union Rep. Eufranio Eriquel noong nakaraang buwan. Ang kailangan ng Task Force Eriquel ay ang pakikipagtulungan ng mga sector para mabigyan ng hustisya ang kanyang kamatayan. Kahit si Eriquel ay nasa listahan ni President Digong bilang narco-politician, hindi naging balakid ito para imbestigahan ang kanyang kaso at alamin kung sinu-sino ang may kagagawan para kasuhan. Ginawa ni Sapitula ang panawagan matapos mag-privilege speech si Rep. Sandra Eriquel noong Lunes at tahasang sinabi na ang pagkamatay ng asawa ay “politically motivated.” Sinisi ni Mrs. Eriquel ang pulisya, pati na si Sapitula dahil sa pagtanggal ng security escort ng asawa. Ayon kay Eriquel, kung hindi inalis ang security escort ng asawa, maaring buhay pa ito. Sa statement noong Miyerkules, sinabi ni Sapitula na nakisimpatiya siya sa pamilya ni Eriquel. Aniya, ang pulisya, hindi lang sa PRO1 kundi maging sa buong bansa ay kinokondena ang pagpaslang sa pulitiko at nangakong gagawin ang makakaya para malutas ang kaso. Hehehe! Sana magtulungan na lang ang magkabilang panig para mahuli ang mga salarin at maparusahan, di ba mga kosa? Tumpak!

Si Eriquel ay nagsasalita sa miting de avance sa Bgy. Capas, Agoo town nang barilin. Ayon sa asawa nito, pulitika ang nasa likod ng pagpaslang at ang kanilang “rivals” ay talagang kumikilos para sipain ang kanilang pamilya sa pulitika. Si Mrs. Eriquel ay representante ng 2nd district ng La Union samantalang ang anak na si Stefanie Ann ang mayor ng Agoo. Ayon kay Mrs. Eriquel, naroon siya mismo sa lugar nang barilin ang asawa subalit andun siya sa kotse sa pangambang akusahan siya ng electioneering kapag nagpakita siya. Ayon kay Mrs. Eriquel, hindi kaagad nagresponde sa insidente ang hepe ng pulisya na si Supt. Alfredo Padilla Jr., samantalang sina Sapitula at ex-La Union provincial director Sr. Supt. Genera Sapiera ang itinuturo niyang nag-alis ng security escort ng asawa. Naaresto na ng pulisya si Capas, Agoo barangay chairman candidate Felizardo Villanueva subalit may agam-agam si Mrs. Eriquel na delikado ang buhay nila habang nakalalaya pa ang “mastermind” sa pagpatay kay Eriquel. Boom Panes! Get’s n’yo mga kosa? Iginiit pa ni Mrs. Eriquel na hindi sangkot sa droga ang asawa at nagtataka siya kung bakit napunta ang pangalan nito sa listahan ni Digong. Kanya-kanyang kuwento lang ‘yan, di ba mga kosa?

Ipinaliwanag naman ni Sapitula, na hindi niya ni-recall ang security escort ni Eriquel. Hindi na umano ito sakop ng protective security ng PNP dahil hindi na siya incumbent government official. Sa katunayan, wala namang request for protective security na natanggap ang kanyang opisina mula kay Eriquel. Ayon kay Sapitula, ang ni-recall niya ay ang security ni Mrs. Eriquel at ni Mayor Stefani Ann dahil sa natuklasan nila ng counterpart niya sa military na kulang ng 100 pulis ang PRO1 para i-secure ang barangay at SK election noong Mayo 14. Nilinaw pa ni Sapitula na hindi ang PRO1 ang may saklaw para bigyan security ang VIPs at qualified na mga opisyal kundi ang Police Security and Protection Group (PSPG) sa Camp Crame. Iginiit pa ni Sapitula na kahit gusto man nilang bigyan ng security ang mga tao sa Region 1, wala silang magawa kundi sumunod sa mga alituntunin ng PNP na i-recall ang lahat ng naka-deploy na pulis sa mga pulitiko, lalo na sa panahon ng election. Tungkol naman sa request ni Mrs. Eriquel na security detail sa miting de avance sa Bgy. Capas, sinabi ni Sapitula na ang anggulong ito ay kasama sa iniimbestigahan sa ngayon ng STIG Eriquel. Sana mag-usap na lang ang magkabilang panig tungo sa ikakalutas ng kaso ni dating Rep. Eriquel dahil walang pupuntahan ang pagturu-turuan ng magkabilang panig, di ba mga kosa? Tumpak! Abangan!

ROMULO SAPITULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with