Walanghiya na lang ang hindi magre-resign!
MARIIN ang warning ni President Digong sa hanay ng mga corrupt government officials career o presidential appointees man na magbitiw na sa tungkulin bago pa mapahiya dahil hindi talaga sila tatantanan ng administrasyon hanggang sa matapos ang termino nito.
Kabilang sa pinangalanan ay ang mga corrupt na mga opisyales at prosecutors ng Department of Justice DOJ sa pangunguna ni Asst. Secretary Moslemen Macarambon alinsunod sa isinumiteng listahan ng Presidential Anti-Corruption Commission na pinamumunuan ni Greco Belgica. Kasunod sa nabibingit na mga opisyales ay sina former BOC NAIA District Collector Ramon Anquilan at NAIA CIIS Chief Butch Ledesma na inaakusahang may kinalaman sa gold and jewelry smuggling na dumaraan sa NAIA.
• • • • • •
Malamang may mabilibid sa Build, build, build
Hindi talaga nagpapaiwan sa listahan ng corrupt agencies ang Department of Public Works and Highways DPWH, patunay dito ang pagkakasangkot ni Asst. Sec. Tingagum Ampaso Umpa na nangongotong diumano sa mga contractors. Hindi na bago sa pandinig ng publiko ang harbatan sa DPWH, pero mas delikado ito, dahil konkretong mga gusali ang maaring magiba sa sandaling magkaroon ng pagkukulang sa timplada at kalidad ng mga bakal na maaring bawasin ng mga contractors sa kanilang mga proyekto dahil sa malalaking porsiyentong hinihingi ng mga opisyales ng DPWH.
Ang Build, build, build program ng administrasyong Duterte pa naman ang hinihintay ng mga mamamayan dahil sa planong pagdugtong-dugtungin ang mga isla ng Luzon, Visayas at Mindanao na maaring maapektuhan ang budget at quality ng performances ng mga builders at contractors kung ang mga sakim sa SOPs ay mambabraso sa mga proyekto. Dapat sa mga ganitong tao ay mabilibid bago pa pumalpak ang Build, build, build di ba?
• • • • • •
Halukay sa Boracay
Isa pang dapat na usisain ni Digong ang balitang may tinatabas na kabundukan ang pamilya ni DPWH Sec. Mark Villar na diumano’y pinagtatayuan ng mga condo at town houses sa parteng kabundukan ng Aklan. Meron kayang alam dito si DENR Sec. Roy Cimatu? Abangan ang susunod na kabanata!
- Latest