^

Punto Mo

EDITORYAL – Siguruhing matutupad ang kasunduan

Pang-masa
EDITORYAL – Siguruhing matutupad ang kasunduan

MARAMING overseas workers sa Kuwait ang na­tu-wa at nakahinga nang maluwag nang malag­daan ang memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait. Ilang buwan ding nalagay sa balag ng alanganin ang paglagda. Nagmuntik-muntikanang hindi matuloy makaraan ang makontrobersiyang rescue ng mga tauhan ng Philippine Embassy sa dalawang Pinay domestic helpers na minamaltrato sa nasabing bansa. Kinunan pa ng video ang pag-rescue at ini-upload sa internet at naging viral.

Hindi ikinatuwa ng Kuwaiti government ang ginawa ng mga taga-Philippine Embassy kaya pinatalsik ang ambassador ng Pilipinas. Binantaang aarestuhin ang mga tauhan ng embahada. Hindi makalabas sa embahada ang mga tauhan sapagkat dadamputin sila paglabas sa gate. Pero mabilis namang naayos ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa at natuloy na ang paglagda sa MOU. Kabilang sa mga lumagda para sa Pilipinas si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano at Labor Sec. Silvestre Bello III.

Sa paglagda sa MOU, nakakatiyak na mapuprotektahan na ang mga OFW sa Kuwait partikular na ang mga domestic helpers. Mababawasan na ang mga pang-aabuso sa mga DH. Kabilang sa mga pinagkasunduan ang pagbibigay ng dayoff sa mga DHs, hindi na ang amo ang hahawak ng passport kundi ang Philippine Embassy, sapat na tulog, maayos na pagkain, tamang suweldo at maaari nang makagamit ng cell phone. Hindi na rin maaaring ipagamit ang Pinay DH sa mga kapatid o magulang ng amo.

Ngayong may proteksiyon na, hindi na marahil mauulit ang nangyari kay Joanna Demafelis na pagkaraang patayin ng amo ay inilagay ang bangkay sa freezer. Nagpahiwatig ang Labor Secretary na maaaring i-lift na ang ban sa deployment ng workers sa Kuwait.

May proteksiyon na ang OFWs sa Kuwait at sana’y maisakatuparan ito. Siguruhin ng pamahalaan na hindi sisira ang Kuwait sa pinagkasunduan.

KUWAIT

OVERSEAS WORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with