^

Punto Mo

Mula ‘never heard’ to ruling class ang PMA Class ’86 sa PNP!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

“NEVER heard.” ‘Yan ang taguri ng mga kosa ko sa Camp Crame sa mga miyembro ng PMA “Sinagtala” Class ’86 noong hindi pa naluklok sa puwesto si Pres. Digong. Kasi nga sa tingin ng mga kosa ko mas maraming may talento at snappy sa mga Class ’84, ’85 at ’87 kumpara sa Class ’86. Kaya halos hindi pinapansin ang Class ’86 at hindi sila kasali sa equation para pagpilian ng kandidato sa pagka-hepe ng PNP. Subalit matapos manalo si Digong, itinalagang hepe si Bucor head Ronald dela Rosa at sa ngayon naman ay si Dir. Gen. Oscar Albayalde kaya naging ruling class na ang Class ’86 dahil halos lahat ng mga importanteng posisyon sa PNP ay sila na ang may hawak. Hak hak hak! Kapag natuloy pa ang buwenas ng Class ’86, baka maging tatlo pa ang miyembro ng klase nila ang maging PNP chief dahil sa ngayon ang ginagawa nila ay bina-box out ang lahat ng kandidato na sa tingin nila ay may potential na maging PNP chief, di ba Calabarzon police director Chief Supt. Guillermo Eleazar Sir? Boom Panes! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Kaya sa ngayon, kuntento na lang ang ibang klase sa PMA na pampuno sa mga puwestong hindi gusto ng PMA Class ’86.

Sa totoo lang mga kosa, dalawang miyembro pa ng PMA Class ’86 ang nakapormang palitan si Albayalde sa pagretiro niya next year. Sila ay sina Dep. Dir. Gen. Archie Gamboa, ang Chief Directorial Staff ng PNP, at Dir. Camilo Cascolan, ang hepe ng NCRPO. Si Gamboa ay magreretiro sa Sept. 2, 2020 o halos 11 months bago magretiro si Albayalde, samantalang si Cascolan naman ay sa Nov. 10, 2020 o lampas pa isang taon. Si Albayalde ay magreretiro sa Nov. 8, 2019. Sa ngayon, lamang si Cascolan dahil bilang NCRPO chief, sagana siya sa media mileage kahit kinokopya lang niya ang mga pamamaraan ni Albayalde para maging disiplinado ang mga pulis sa NCRPO. Panay din ang inspection ni Cascolan sa mga presinto, gaya ng ginagawa ni Albayalde, kaya ang mga pulis ay naka-alerto kahit sa madaling araw at baka abutan sila ng bagyong Cascolan, di ba mga kosa? Kaya lang, kahit ano pa ang sipag at tiyaga ni Cascolan, mabubura ang lahat na ito dahil sa pangharabas ng tropa ni Baby Marcelo sa mga pasugalan, putahan, beerhouse at iba pang pagkakitaan sa Metro Manila. Sa pagkaalam kasi ng mga kosa ko, galit si Digong vs corruption at katunayan kasisibak lang niya kay Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo. Itong pag-iikot ba ng tropa ni Marcelo ay corruption din sa tingin ng mga kosa ko, di ba Spokesman Harry Roque Sir? Ang masakit pa, si Marcelo ay sagradong bata ni ret. Gen. Marcelo Garbo, ang isa limang police general na inakusahan ni Digong na sangkot sa droga. Kapag nakarating sa kaalaman ni Digong na kinalong ni Cascolan ang bata ng kalaban niya, tiyak may kalalagyan ang NCRPO chief, di ba Bong Cascolan Sir?

Kaya tama lang ang puna ni Albayalde na hindi dapat pinilit makuha ni Cascolan ang NCRPO dahil sa sobrang ikli ng termino na hinahabol niya, baka sumemplang pa siya. Kasi nga mga kosa, noon pa man, si Cascolan ay gino-groom ng klase na uupo bilang CDS matapos magretiro si Dep. Dir. Gen. Ramon Apolinario, ang deputy chief for administration ng PNP sa Agosto. Kaya kung apat na buwan lang si Cascolan sa NCRPO baka me mangyari pang masama at maging daan ito para mawasak ang tsansa niyang mapalitan si Albayalde at itong tropa nga ni Marcelo ang isang isyu na maaring ibato sa kanyang liderato. Alam naman ni ALbayalde na kung anu-anong paninira na ang ibinato sa kanya ng mga karibal niya sa puwesto, subalit hindi sila nakakilos matapos biglaang ibando ni Digong na siya na nga ang papalit ke Bato. Kaya’t late na nang maglabasan ang mga tirada sa bagong PNP chief, di ba Sir Oca? Aantayin pa kaya ni Cascolan na gamitin ng karibal niya sa pagka-PNP chief ang panghaharabas ng tropa ni Baby Marcelo bago siya kumilos? Tingnan mo Sir Cascolan si Teo, kahit nangako pa ang mga kapatid na ibalik sa P60 milyon para sa ads ng TV program, eh inabot pa siya ng malas. Boom Panes! Hehehe! Kung sabagay, kapag nakaukit na sa palad ni Cascolan ang pagiging PNP chief kahit anong isyu pa ay walang makagiba sa pangarap n’ya, di ba Sir Bong?

Samantala, si Gen. Gamboa naman ay pakuya-kuyakoy lang sa air-conditioned na opisina niya at inaantay lang na magkamali ang klasmeyt n’ya. Sa ngayon, si Gamboa ang binabantayan ng mga police officials sa Camp Crame dahil mukhang may say s’ya sa paglalagay ng mga opisyales sa mga puwesto sa PNP, di ba Pres. Assistant Bong Go Sir? At habang nananalasa ang tropa ni Marcelo para kay Cascolan, nananalangin si Gamboa na may magkakalap ng ebidensiya laban sa kanila para maiparating kay Digong. Tiyak ‘yun! Kayo mga kosa, sino ang manok n’yo na papalit kay Albayalde? Hehehe! Ang tagal pa kaya! Abangan!

CAMP CRAME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with