^

Punto Mo

Di uubra maangas na motorista!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PANAHON ng tag-init! Siguradong marami ang naiinis at naba-badtrip. Kasabay ng patuloy na pag-alinsangan ng panahon, marami ang napipikon. Lalo na ‘yung mga motoristang mabilis nag-iinit ang ulo dahil sa traffic at kalauna’y nauuwi sa gulo.

Tulad na lamang ng reklamong inilapit ng isang FX driver sa Kilos Pronto. Kuwento niya, binabaybay niya ang kalsada ng makagitgitan ang isa pang motorista. Laking gulat niya nang bigla itong bumaba at undayan siya ng suntok sa mukha.

Ang maangas na motorista, nagpanggap pang pulis sa madla. Bago umalis, nagbanta pang babalikan at papatayin ang FX driver. Dahil sa takot, wala na siyang nagawa. Buti na lamang at nakunan ng mga pasahero ng video ang buong pangyayari.

Agad naming inere sa aming programa ang mukha ng sira-ulong ito. Kinabukasan ay agad din naming sinamahan sa opisina ni Gen. Joselito Esquivel ng QCPD ang pobreng biktima upang magsampa ng kaso.

Saktong sa araw na iyon, lumutang din ang nagtatagong putok sa buho! Pero imbes na magpakumbaba, nagmamatapang pa si gago. Ayaw umamin sa pagkakamali at handa raw siyang harapin ang kaso.

Kung sumagot itong kumag na si John Roman Peralta sa media, akala mo walang ginawang masama. Itanggi ba namang sinuntok niya ang biktima? Hoy gunggong, hindi nagsisinungaling ang ebidensiya! Pati pagpapanggap na pulis, pinabulaanan mo pang hinayupak ka.

Ungas, makinig ka! Si Bitag na itong nagsasalita sa’yo. Kung sa kanila ay umubra yang kaangasan mo, ibahin mo ako.

Masuwerte ka at hindi tayo ang nagtagpo. Kung ako nakatapat nito siguradong may kalalagyan si gago. Hindi pa man ako nagsasalita nanginginig na ‘yang mga bombolyas mo sa takot. Sa susunod pang ulitin mo ‘yang pananapak, tayo na ang mag-uusap, lingguwahe mo mismo ang gagamitin ko sayo.

Sa huli, tanggal din ang angas ni mokong. Dahil ayon mismo kay Rey Francis Zamora ng LTO, tapos na ang maliligayang araw ni Peralta sa kalsada. Sa asal na ipinakita niya, posibleng habambuhay na masuspende ang kanyang lisensiya.

Buwahaha! Nasa amin pa rin ang huling halakhak, kumag. Ngayon ka mag-angas, sukatin natin kung hanggang saan ‘yang tapang mo!

KILOS PRONTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with