^

Punto Mo

Dahil sa Durian daan-daang guro’t estudyante inilikas mula sa isang unibersidad sa Australia

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAAN-DAANG mga guro at estudyante ang inilikas mula sa isang unibersidad sa Melbourne, Australia matapos kumalat ang isang amoy na noong una’y inakalang sanhi ng gas leak.

Dahil sa takot na maa-ring pagsimulan ito ng isang pagsabog, nasa 500 katao ang lumikas mula sa library ng Royal Melbourne Institute of Technology (RMIT),  kung saan pinaniniwalaang nanggaling ang masangsang na amoy.

Wala naman palang dapat ipangamba ang mga tao sa nasabing unibersidad dahil nang halughugin ng mga bumbero ang library ng eskuwelahan ay nadiskubre nilang nanggagaling lamang pala ang amoy sa nabubulok na durian na naiwan sa isang aparador.

Kumalat ang amoy nang pumasok ito sa air-conditio-ning system, kaya nasinghot lahat ng nasa gusali ang nakakasulasok na amoy ng durian.

Madalas ihalintulad sa amoy ng nabubulok na karne ang amoy ng durian dahilan upang ipagbawal ito sa ilang lugar sa Asya katulad ng Singa­pore kung saan hindi maa-ring magbitbit ng durian sa mga pampublikong tren.

Nagbukas na muli ang lib­rary ng RMIT at humingi ng paumanhin ang mga kinatawan ng unibersidad sa abalang na-ging dulot ng bulok na durian.

GAS LEAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with