1. Tumatabang ang Panlasa: Ang ating taste receptors ay nababawasan ng at least 25 percent habang lumolobo ang ating katawan.
2. Nagiging nerbiyosa. Halimbawa, kinakabahan kapag aalis ng bahay samantalang noong araw ay hindi naman ganoon ang nararamdaman. Madalas itong mangyari sa babaeng tumataba. May tinatawag na serotonin, isang chemical na pino-produce ng ating utak. Ang serotonin ang nagdudulot ng kasiyahan sa ating kalooban. Ito ang lumalabas sa utak kapag tayo ay in love, nakikipag-sex. Ngunit kapag sumosobra ang ating kinakain dahil sa katakawan, apektado ang paglabas ng serotonin. Kapag nahihirapan ang bituka sa pagtunaw ng marami mong kinain, hindi nakakapagpalabas ng sapat na serotonin ang ating utak. Ang resulta: Pagkabalisa na tumutuloy sa pagiging nerbiyosa.
3. Pananakit ng ulo.
4. Ang mga lalaki ay nagkakaroon ng “mobs” or man boobs.
5. Laging sumasakit ang tiyan.
6. Nagkakaroon ng depresyon.
7. Nahihirapang magbuntis. Habang tumataba, tumataas ang tsansa ng infertility.
8. Sa mga lalaki, hindi na maka-perform sa kama. Habang tumataas ang timbang, tumataas din ang tsansa na magkaroon ng erectile dysfunction.
9. Nagkakaroon ng hindi maipaliwanag na pananakit ng muscles, panghihina at parang laging pagod. Ito ay sa dahilang nagkukulang ka na sa vitamin D. Kahit ka nakakakuha ng vitamin D sa sinag ng araw, ito ay madaling matunaw dahil sa maraming taba ng iyong katawan.
10. Laging dumidighay at madalas ang heartburn.
11. Kakaiba ang sound ng paghilik. Parang malakas na pitada ng barko o nag-aalburutong tambutso ng tren.
12. Umiihi ng tatlong beses o higit pa sa gabi.