^

Punto Mo

Pinuruhan ni Digong ang mga ulupong

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

NGITNGIT at hindi ngiti ang nabakas sa mukha ni Digong sa pahayag nito na ang karamihan sa sinibak nito sa puwesto ay ang mga taong nagsulsol sa kanya para tumakbo sa pagka-Presidente noong 2016. Inasahan daw ni Digong na magiging katulong niya para ireporma ang bansa ng  mga nagsulsol sa kanya, pero nagloko rin nang mailagay na sa puwesto.

Maraming sinibak si Digong pero hindi muna nito pina-ngalanan ang iba, pero kasabay nito ay ang pinakahuling nag-resign sa puwestong si DOLE Usec. Dominador Say, at kaya raw niya ginawa ito ay para isalba ang ulo ni Sec. Bebot Bello. Kung kapalpakan ang mga ginawa ni Dominador Say, hindi ba dapat sumabay na rin si Bebot Bello, dahil command resposibility ang ganun?

Hindi sukat akalain ni Digong na ang magtatraydor sa kanya ay mismong mga taong inakala niyang kaibigan at supporters, ang mahigit isang dosenang mga ulupong pala!

Trust rating ni Digong ok, Alvarez at Sereno, plakda!

Hindi nakapagtataka na nananatiling mataas ang trust rating ni Digong, samantalang bagsak ang kina House Speaker Bebot Alvarez at CJ Maria Lourdes Sereno sa pinakahuling survey ng SWS. Nagpapakita lamang ito ng katotohanan na gusto talaga ng tao ang matuwid at walang bahid na pagseserbisyo sa gobyerno. Pero teka, papaano naman kaya susukatin ang liderato ng Kongreso na magdidiin kay CJ Sereno para ma-impeach ito. Plakda vs. Plakda, nakupo! Hahahaha

Roll call ng bgy. Officials na nasa Narco lists

Kumporme sina Senate Pres. Aquilino Pimentel lll, Sen. Mike Zubiri at Sen. Antonio Trillanes lV na mailathala ang mga pangalan ng mga barangay officials na nasa narco lists, nang sa ganun ay malaman ng mga botante ang hindi dapat iboto. May mga kumukontra naman na diumano ay dapat pairalin ang due process sa mga nasa listahan. Maari raw kalaban sa pulitika ang nagbigay ng mga pangalan at malagay sa panganib at kahihiyan ang mga inosente.

Kung magmumula sa PDEA ang impormasyon, baka maging malapit sa katotohanan ang listahan, hindi tulad ng hinihingi ni DILG Usec. Martin Dino sa mga nakaupong kapitan ng barangay ang listahan ng mga pinaghihinalaang pushers at users ng shabu sa kanilang nasasakupan na malamang ang maglaglag ng mga kalaban sa eleksiyon. Tumpak! Kaya, sige  i-publish na dali!

BEBOT ALVAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with