^

Punto Mo

Matandang Tinali (73)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAG-EMPAKE nang maraming damit si Dong. Isang maleta ang dala niya. Nagtungo siya sa supermarket at bumili nang maraming kailangan para sa matagalang pagtigil sa kanyang farm sa Nagcarlan. Mga pangunahing pangangailangan ang kanyang binili --- bigas, corned beef, sardinas, asukal, kape, noodles at marami pa. Bumili rin siya ng mga gamot – para sa sakit ng ulo, tiyan at kapag nilalagnat.

Dati kapag umuuwi siya sa farm, ilang pirasong damit lang at ilang corned beef ang baon niya, pero ngayon, pang matagalan na. Yung ibang kulang, dun na lang niya bibilhin. Sabi ni Manong Naldo, mayroon naman daw grocery sa bayan ng Nagcarlan.

Naalala niya si Manong Naldo, baka nagtataka yun kung bakit hindi na siya umuuwi sa farm. Baka inakala na hindi na siya dadalaw at umalis na ito sa pangangalaga ng kanyang farm. Kung ganun ang nangyari, tiyak na magubat na o madamo ang buong farm.

Napahinga siya nang malalim. Kung bakit kasi nahumaling siya sa magnanakaw na si Babes. Kung hindi sa babaing yun, baka maraming beses na siyang nakauwi sa Nagcarlan at naasikako ang farm.

Nagsisisi siya sa nangyari at ipinangakong hindi na mangyayari uli iyon. Kahit hindi na siya makapag-asawa. Basta mananahimik na lang siya sa kanyang farm.

Dahil sa dami ng kanyang dala – mayroon pang unan at kumot, umarkila siya ng van.

Pasado alas diyes ng umaga na siya nakarating.

Mismong sa harap ng gate ng farm siya ibinaba ng van.

Natuwa siya nang makita ang MATANDANG TINALI FARM.

Nakadama siya ng kapa-yapaan ng kalooban.

(Itutuloy)

MATANDANG TINALI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with