Pagmumulto ng nakaraan, si Sereno ang sinapian?

ANG galit ni P-Noy noon kay former Pres. Gloria M. Arroyo ang naghatid ng delubyo kay CJ Renato Corona, ang kauna-una-hang biktima ng ngitngit ni P-Noy sa administrasyon ni GMA na na-appoint matapos ang 2010 election na pinagwagian ni P-Noy. Pinaniwala nito ang marami na isang midnight appointment ang kay Corona at magiging hadlang sa mga agenda nito sa kanyang pamumuno, kasali na ang pagpapakulong kay GMA. Anong masasabi ni Ate Leila dito na nakakulong ngayon? Anyare?

Matapos ang hustisyang iginawad ng Kongreso at Senado na binalot ng intriga hinggil sa pork barrels na kapalit diumano ng pagkakasibak kay Corona nang dahil lang sa SALN nito, agad namang bumaling kina Sen. Johnny Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla ang tabak ni Damocles, kaya nahoyo rin ang tatlo. Karma nga ba ang tawag dun? Hahahaha

Mas kawawa si Corona

Marami ang naawa noon kay Corona, pero mas marami ang humanga dahil wala siyang pinaratangan o sinisi man lamang, manapa’y ipinaubaya niya sa kamay ng hustisya ang lahat hanggang kamatayan.

Nangamoy noon na may personal na kinalaman si P-Noy sa pagkakasibak kay Corona, kaya iniisip din siguro ngayon si Sereno na may alam si Digong sa mga hakbang laban sa kanya? Sinabi na ni Digong na “wala ngaaa!”siyang kinalaman,  pero ayaw ni Sereno maniwala. Ayan magkaaway na tuloy kayo.

Huwag naman sana hanggang kamatayan!

Tinitimbang ngunit parang kulang

Pilit na naghahanap ng kakampi si Sereno sa mga associate justices niya, pero mukhang kukulangin sa bilang ang inaasahan nito. Mas marami ang nauulinigang sasalungat sa depensang inilalatag ng mga abogado ni Sereno sa pagpapatuloy ng quo warranto proceedings dahil sa bigat ng ebidensyang idinadagan ni Solgen Jose Calida sa grupo ng tagapagtanggol ni Sereno. Sobra sa timbang?

Marami ang humuhula na kung ang pagbabasehan ay ang mga nagdaang administrasyon na pinagmulan o maaring pinagkakautangang loob ng mga associate justices, anim lamang sa 15 nakaupong mahistrado ang maaring maging kakampi ni Sereno mula sa hanay ng Aquino Administration appointees, samantalang liman ang kay GMA at apat ang kay Digong, pero harinawa na ang Diyos na makapangyarihan ang manaig. Malamang na kulangin nga sa timbang!

Tandaan natin, kung may dapat na ituwid at husgahan, Vengeance is mine, saith the Lord (Romans 12:19) Shalom!

Show comments