EDITORYAL - Salain nang todo ang party-list groups
INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na 24 na party-list groups ang kanilang dinisqualified para sa 2019 midterm elections. Sa Resolution No. 10273 na inilabas noong Martes, sinabi ng Comelec na hindi nag-participate ang 24 na party-list groups sa nakaraang dalawang eleksiyon. Hindi rin sila nakakuha ng seats sa dalawang nakaraang halalan. Dahil dito, inaalis na sila at dinidis-qualified sa dara-ting na eleksiyon sa susunod na taon. Ang resolusyon ay nilagdaan ng apat na Comelec commissioners.
Nararapat lamang ang ganito kahigpit na pag-disqualified sa mga party-list na wala nang paki sa kanilang grupo na nirerepresenta. Hindi na sila nararapat bigyan pa ng pagkakataon. Kung tutuusin, may mga party-list na agresibo sa paghingi ng accreditations pero hindi sila naaprubahan. Kung sino ang mga handang tumulong sa kanilang kinakatawan sila ang ayaw pagbigyan.
Kung gaano kahigpit ang Comelec sa pagtatanggal ng party-list groups na walang pakinabang, dapat ganito rin sila kahigpit sa pagrerebyu at pagtanggap sa mga magpa-file ng accreditation para sa 2019 elections. Idadaan sila sa mabusising pagrerebyu. Tiyakin kung ang mga ito ay may track record at kung may mga miyembro o kinakatawan. Kapag sa pagbusisi ay wala silang nakitang katangian, agad nilang idisku-walipika ang accredidation. Isailalim sa lifestyle check at baka napakayaman nang nagnanais mag-party-list.
Idaan sa butas ng karayom ang mga nagnanais maging kinatawan. Kung mabubusisi nang ayos ang mga nag-file ng accredidation, maaaring magkaroon na ng tunay na kinatawan ang mga maliliit sa lipunan.
Ang party-list representatives ay halos kasingpantay din ng elected members ng House. Mayron siyang kaparehong karapatan, suweldo, pork barrel at iba pa na walang ipinagkaiba sa mga mambabatas. Kaya nararapat na salain at busisiin ang mga nais maging kinatawan sa party-list.
- Latest