^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi lang sa Bora marumi, ganundin ang mga estero sa Metro Manila

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi lang sa Bora marumi, ganundin ang mga estero sa Metro Manila

NAGING viral sa Facebook ang isang estero sa Binondo na umaapaw sa basura noong nakaraang linggo. Isang concerned citizen ang nag-upload ng picture. Nakakasuka ang itsura ng esterong halos umapaw ang basura. Pawang mga plastic ang basura.

Kinabukasan, biglang nilinis ang estero. Mabilis pa sa alas kuwatro ang paglilinis. Nagtuturuan naman ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at ang gobyerno ng Maynila kung sino ang may res­ponsibilidad sa mga basura.

Ayon sa report, ang mga vendors ang mga nagtatapon ng basura sa estero. Nang tanungin ang mga vendor kung nagbabayad sila sa puwesto, sinabi nila na nagbabayad daw sila sa Manila City Hall. Pero nang tanungin ang mga opisyal sa City Hall, itinanggi ang sinabi ng vendors. Wala raw silang sinisingil sa vendors sa Maynila.

Kontrobersiya ngayon ang maruming dagat ng Boracay na ikinagalit ni President Duterte noong nakaraang linggo. Nagbanta si Duterte na ipasasara ang Boracay sa turista kapag hindi nilinis. Inatasan niya si DENR Sec. Roy Cimatu na linisin sa loob ng anim na buwan ang karagatan ng Boracay.

Walang water waste facilities ang may 300 resorts sa Boracay at sa dagat nila pinadadaloy ang dumi. Kontaminado na ang karagatan at banta ito sa kalusugan ng mga dumadayong turista sa Boracay. Lantaran ang paglabag ng resort owners sa environment laws.

Walang ipinagkaiba ang Boracay sa mga lugar sa Metro Manila. Marumi ang Metro Manila sapagkat wala nang disiplina ang mamamayan sa pagtatapon ng basura. Ginagawang basurahan ang kalsada. Ang mga nakasakay sa dyipni at private vehicles, walang patumangga kung magtapon ng basura  gaya ng balat ng kendi, balat ng mais, balot ng hamburger at iba pang basura.

Maraming basura sa Metro Manila at hindi matatapos ang problema hangga’t maraming tao ang walang disiplina sa pagtatapon ng kanilang basura. Kargo naman ng mga barangay chairman ang basura sa estero. Sila ang dapat magkaroon ng tapang na bantayan ang estero para hindi tapunan ng basura.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with