^

Punto Mo

Matandang Tinali (12)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGPASYA si Dong na maligo sa sapa. Unang pagkakataon na maliligo siya sa sapa. Sa tingin niya, napakasarap maligo dahil napakalinaw ng tubig. Sabi naman ni Jun, puwedeng-puwedeng maligo sapagkat malinis. Puwede nga raw inumin ang tubig sapagkat galing sa bukal.

Naghubad si Dong. Mabuti na lang at boxer short ang suot niya at hindi pangkaraniwang brief. Kakahiya kung may makakita sa kanya kung naka-brief lang. Sabagay wala naman sigurong makakakita sa kanya sapagkat walang ibang papasok sa farm na ito dahil pag-aari niya. Pero hindi rin niya inaalis na may magtangkang pumasok para makapagnakaw ng lansones at rambutan. Pero sabi naman ni Jun, walang magnanakaw sa Nagcarlan. Kung mayroon man, mangilan-ngilan lang at pawang dayo ang gagawa niyon.

Nang makapaghubad ng damit at pantalon, lumusog na sa sapa si Dong. Gusto niyang umatras dahil sobrang lamig! Parang lumusong siya sa tubig na may kaskas na yelo.

Pero nang tumagal na, hindi na niya maramdaman ang lamig. Sa unang lusong lang pala.

Lumangoy siya. Hanggang dibdib ang lalim. Ang sarap!

Ilang ulit pa siyang luma­ngoy at sumisid hanggang magsawa at umahon siya sa pampang.

Nang makaramdam ng lamig dahil sa malakas na hangin, nagtungo na siya sa kubo at nagbihis.

Humiga siya sa sahig na kawayan.

Dinalaw siya ng antok.

Parang dinuduyan.

Hanggang sa mahim­bing siya.

(Itutuloy)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with