^

Punto Mo

EDITORYAL - Kayang gumawa ng plaka, ba’t ipakokontrata pa?

Pang-masa
EDITORYAL - Kayang gumawa ng plaka, ba�t ipakokontrata pa?

PLANO ng Land Transportation Office (LTO) na bumili ng bago at modernong equipment para sa produksiyon ng mga plaka ng sasakyan. Sabi ni LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante, ang bibilhing equipment ay ilalagay mismo sa LTO compound sa Quezon City at dito gagawin ang mga plaka. “Mas makakatipid dito at mas convenient,” sabi ni Galvante. Gayunman, hindi niya sinabi kung kailan bibili ng equipment at kung magkano ito. Sabi pa ng LTO chief, maraming tauhan aniya ang ahensiya na may sapat na kaalaman sa paggawa ng mga plaka. Mahusay aniya sa plate making ang mga tauhan sa LTO.

Matagal nang may gawaan ng plaka sa LTO compound at nakapagtataka kung bakit ngayon lang ito nalaman ni Galvante. May Plate Making Plant ang LTO. Katunayan, ninakawan pa ang plantang ito noong Holy Week ng 2016 at nawala ang maraming aluminum na materyales para sa plaka. Hinala ng LTO, inside job daw. Inunti-unti raw ang pagnanakaw. Nang magkaroon ng inventory saka lamang nabuking ang mga nanakaw na materyales. Ang LTO ay nasa ilalim pa noon ni dating DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya.

Hindi na kailangang ipakontrata pa ang paggawa ng plaka sapagkat mayroong pagawaan. Isang malaking kalokohan ang nangyari noong 2013 nang kontrahin ng LTO ang Kniereim BV Goes and Power Plates Development Concept Inc. (JKG-PPI). Ang JKG-PPI ay Dutch-Filipino consortium na nanalo sa bidding para mag-supply ng car plates. Umabot sa P3.8 bilyon ang kontrata.

Pero hindi nadeliber ng contractor ang may 700,000 car plates sapagkat wala silang pambayad ng Customs duties. Pinigil ng Customs ang may 11 containers ng car plates. Kasunod ay ang pag-iisyu ng TRO ng Supreme Court na pumipigil sa distribution ng plaka. Dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan ng contractor, lumobo ang mga sasakyang walang plaka.

Kamakailan lamang inalis ng SC ang TRO at pinayagang maipamahagi na ang mga plaka.

Kayang gumawa ng LTO ng mga plaka at hindi na dapat pang ipakontrata. Bantayan lamang ang mga corrupt sa LTO at baka pagkaperahan ang mga plaka kapag sa planta na ginawa.

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->