^

Punto Mo

Isla Paraiso (129)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, nagpaalam na si Benhur kay Marikit.

‘‘Aalis na ako Marikit, pero babalik din agad ako. At saka di ba sa isang buwan ay graduation mo na. E di isasama ko na si Lolo Kandoy dito.”

“Oo Benhur. Mabuti at nasabi mo. Gusto ko, makita ni Lolo ang pagtatapos ko. Pero sana, pati si Sir Alexis ay gusto kong imbitahan. Kung hindi sa kanya, hindi ako makakapagtapos.’’

“E di sasabihin ko sa kanya ang balak mo.’’

“Mabuti pa, gumawa ako ng sulat para sa kanya.’’

‘‘Mas mabuti yun. Sige gumawa ka ng sulat at hihintayin ko.’’

“Marami na akong naipakikiusap sa’yo Benhur. Kakahiya na.’’

“Okey lang, Marikit. Basta pahalikin mo lang ako.’’

‘‘Hoy huwag kang pilyo ha? Saka na ang kiss.’’

“Joke lang.’’

Gumawa ng sulat si Marikit.

Nang matapos ay ibinigay kay Benhur.

“Ibigay mo na lang kay Sir Alexis ito. Ikaw na ang bahalang magsabi kay Lolo na gusto ko siyang lumuwas para makita ang graduation ko.’’

“Okey Marikit. Sige aalis na ako.’’

“Mag-ingat ka Benhur.’’

“Wala ba talagang kiss?’’

Ngumiti si Marikit.

‘‘Sige na nga.’’

(Itutuloy)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with