^

Punto Mo

Tamad magpatrulya ang mga pulis

PULSO NG MASA - Pang-masa

Sunud-sunod ang pagsalakay ng mga holdaper ngayon at tila naiiwanan sa kangkungan ang mga pulis. Natatandaan ko ang sabi ni PNP chief Bato dela Rosa na 24/7 ang pagpapatrulya ng mga pulis para maseguro ang kaligtasan ng mamamayan. Pero hindi ito totoo sapagkat sunud-sunod ang holdapan sa gabi. Nasaan ang mga pulis na sinabi ni Bato?

Isang araw makalipas ang Bagong Taon, hinoldap ng apat na lalaki ang isang hotel sa Pasay at nakakuha ng perang umaabot sa P4 milyon. Pati ang pera at mga gamit ng guest ng hotel ay hindi pinatawad ng mga lalaki na armado ng baril. Pagkatapos mangholdap ay balewalang umalis ang mga holdaper sakay ng isang van.

Kahapon, napanood ko sa TV ang panghoholdap sa isang 24-hour na lugawan sa Parañaque. Bigla na lamang dumating ang apat na kalalakihan na sakay ng motorsiklo. Pumasok sa lugawan at nagdeklara ng holdap. Sinimot ang laman ng kaha at pati ang pera at cell phone ng mga kostumer ay nilimas.

Nasaan ang mga pulis? Nakakatakot na ang mga nangyayari ngayon na walang anumang sumasalakay ang mga holdaper kahit sa mga karaniwang kainan sa gilid ng kalsada.

Kumilos sana ang PNP.

FERDIE MASCARINAS, Bagbag, Quirino Highway, Novaliches, QC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with