Gen. Taas, silent hero ng security sa ASEAN Summit!

PARA sa kaalaman ng lahat, si Dir. Napoleon Taas, ang chief information officer ng PNP, ang commander ng security task force nang matagumpay na 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na ginanap sa PICC sa Pasay City noong nakaraang linggo. Halos hindi nabanggit si Taas sa mga balita tungkol sa ASEAN dahil umiiwas siya sa mga interbyu ng media, mga phone patches para sa radio at TV at imbes ay naka-focus lamang sa iniatang sa kanya na trabaho. At matagumpay naman niyang giniyahan ang security ng 22 head of states na umattend ng ASEAN Summit na lahat pumuri sa Security Task Force na pinamumunuan ni Taas. Sa ngayong tapos na ang ASEAN, ayaw ni Taas na siya lang ang pag-uusapan bilang commander ng Security Task Force dahil ang nais niya ang buong puwersa o halos 60,000 na pulis, military at 21 ahensiya ng gobyerno na sangkot sa seguridad ng selebrasyon ang bibigyan pansin o papurihan ng gobyerno ni Pres. Digong. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Napaka-humble naman nitong si Taas. Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Nang tanggapin niya ang trabaho noong Nov. 2016, halos umabot sa 283 na ASEAN related meetings, ang siniguridad ni Taas at 261 dito ay ginanap sa Manila, Clark, Cebu, Iloilo, Bacolod, Davao, Boracay, Laoag, Bohol at Palawan. At bilang head security ng ASEAN, inihambing ni Taas ang kanyang sarili sa conductor ng New York Symphony Orchestra o Philharmonic Orchestra na tumugtog ng isang masterpiece. Ayon conductor kasi mga kosa ang siyang may vision kung anong musika na magugustuhan ng mga patrons na dapat tugtugin ng orchestra. Siyempre, ang conductor din ang magre-recruit ng best players dahil sa kasabihang like attracts like at siya rin ang tinitingnan ng patrons dahil nakatayo ito sa platform. Arok naman n’yo siguro mga kosa na ang mga conductor ay very passionate at hindi sila kumukumpas gamit ang kanilang utak kundi ang kanilang puso. Hehehe! Hindi rin do it all ang mga conductor dahil sa hindi sila nagbenta ng tiket at hindi mo makikita ito sa stage hanggang sa parte na siya na mismo ang magli-lead. Ang lahat nang kilos ng conductor ay may kahulugan at palaging nakatalikod sa mga patron dahil ang kanyang focus ay sa kanyang mga players at sa kanilang performance. Get’s n’yo mga kosa? At bilang conductor si Taas ay lumalayo sa limelight subalit kapag tapos na ang concert at ang mga patron ay pumapalakpak na, ito na ang pagkataon para harapin niya ang audience at mag-bow. Hak hak hak! Siyempre, tulad ng conductor kapag tagumpay ang piyesa nila, ginawa rin ni Taas ang pag-bow sa kanyang mga tauhan sa kanyang talumpati sa harap nila sa One Esplanade sa Pasay City noong Nov. 15. Hehehe! Puwede ba palakpakan natin si Taas for a job well done, mga kosa? O hayan mga kosa! Nakamtan ni Taas ang kanyang pangako na maging matahimik ang seguridad ng ASEAN Summit. Tiyak ‘yun!

Si Taas mga kosa ay graduate ng US Military Academy Class ’84 at magreretiro na sa sunod na taon. Maraming retirement na ang nasilayan ni Taas at ramdam na ramdam niya ang kanyang ASEAN security accomplishment kung saan binigyan siya ng lakas para pagsama-samahin, pamumunuan at serbisyuhan ang 22 world leaders sa ilalim ng Security Task Force.

“Together, we have indeed produced a world class masterpiece. A masterpiece that I will forever cherish. A masterpiece which was made possible only because of our common resolve that for a proud Filipino, there is no mountain high enough which could not be conquered,” ani Taas sa kanyang mga tauhan. “And as a great symphony conductor would at the end of every performance, while the audience are clapping and shouting at the top of their lungs, I now bow to all the men and women responsible for this great masterpiece,” ang pagtatapos pa ni Taas. Congrats po Sir Taas at sa inyong lahat sa STF. Abangan!

 

Show comments