7 Health Benefits ng Dalanghita

  1. Magiging maliit ang tsansang magkaroon ng cancer. Mayaman sa bitamina A na proteksiyon laban sa liver cancer. May mataas na level ng limonene na nagtataglay ng anti-cancer elements.
  2. Mayaman sa bitamina C na nagpapalakas ng buto at ngipin. Lumalakas ang resistensiya laban sa infection at scurvy (pagdurugo ng gums).
  3. Mayaman sa fibers para maiwasan ang pagtitibe. Fibers ang nagwawalis ng mga dumi sa loob ng katawan.
  4. Mayaman sa nobiletin, isang uri ng flavonoid na tumutulong para maiwasan ang pagiging oily ng kutis lalo na sa mukha at anit.
  5. Tinutunaw  nito ang taba na nakahalo sa dugo na nagiging sanhi ng pagbabara sa ugat patungo sa puso.
  6. Mayaman sa folic acid. Ito ang sustansiya na may koneksiyon sa healthy at maayos na pagbubuntis.
  7. Mayaman sa potassium na nagpapababa ng panganib na magkaroon ng hypertension, kidney stone at malutong na buto.

Show comments