PNR train

Dati ang PNR train ay abot sa Bicol

mula sa Tutuban ito ay patuloy

ngayon biyahe nito ay kakarampot

hanggang Muntinlupa halos di umaabot

 

Saan ba napunta kailangang budget

upang ang train sa malayo makasapit

kaninong bulsa ba ang pera’y nasilid

upang ang PNR train mabalik sa riles

 

Saan napunta ang maraming lagay

ng bus operator upang ito’y mapigilan

kung di-tinatanggap ganitong mga bagay

PNR train operation ay tulong sa bayan

Show comments