^

Punto Mo

‘Sa Mindanao lang ang martial law’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

SA kabi-kabilang pagbatikos ang natatanggap ni Presidente Rodrigo Duterte sa kanyang pamamaraan kung paano susugpuin ang droga at krimen sa bansa.

Marami ang nabahala nang magdeklara ng Martial Law ang Presidente sa Mindanao kung saan umatake ang Maute Group. Hanggang ngayon ay may giyera pa din doon ngunit umaasa ang lahat na malapit na itong matuldukan.

Iniisip ng iba dahil nagdeklara ang Presidente ng Martial Law sa Mindanao ay susunod nang mapapasailalim ng Martial Law ang Luzon at Visayas.

Sa paggunita sa Martial Law noong nakaraang Setyembre 21, 2017 ay marami ang nagprotesta. May mga nagsunog pa ng ilang mga litrato gaya na lamang ng litrato ni dating Presidente Ferdinand Marcos, Adolf Hitler at isang aso.

May kumalat pang balita na magdedeklara ang Presidente ng Martial Law sa buong bansa ngunit nilinaw ng Palasyo na wala itong katotohanan.

Kahit pa sabihin mong marami ang nagprotesta nung ika-21 ng Setyembre ay naging maayos ito at walang kaguluhan ang naganap.

Pumayag ang Presidente na magsagawa ng protesta ang iba’t-ibang grupo ngunit mahigpit niyang ibinilin na huwag magkaroon ng karahasan at paninira ng mga ari-arian. Sumunod naman ang mga tao sa kanya.

Normal na sa isang administrasyon na magkaroon ng mga mambabatikos, malaya silang magpahayag ng kanilang mga saloobin at tanggap naman ito ng Presidente.

Ang mga ganitong uri ng pangyayari ay hindi sapat upang magdeklara ng Batas Militar sa buong bansa. Ang Visayas at Luzon ay walang giyerang kinakaharap tulad nang suliranin ngayon ng Mindanao.

Kaya nasa ilalim ng Batas Militar ang Mindanao ay upang mapigilan ang pagpasok at paglabas ng mga kalaban ng gobyerno.

Maraming nabiktima ng Martial Law noong panahon ni dating Pangulong Marcos at walang sinuman ang gustong bumalik sa ganung panahon kung saan wala kang kalayaan magpahayag ng iyong damdamin at opinyon.

Iba ang nangyayari sa Mindanao at naniniwala ako na hindi naman basta magdedeklara ang Presidente ng Martial Law kung walang matibay na dahilan.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with