^

Punto Mo

‘CHR isang libo ka lang’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

MALAKI ang responsibilidad ang nakapatong sa mga balikat ng mga miyembro ng Commission on Human Rights (CHR)  maging epektibo pa kaya ito kung ang budget ay isang libo lang? Dito lalabas ang dedikasyon ng mga miyembro na ipatupad ang kanilang adbokasiya kahit na manggaling sa kanilang bulsa

Sa botong 119-32 ay nabigyan ng isang libong piso sa loob ng isang taon ang CHR para maging budget sa susunod na taon.

Mula sa budget na Php649 milyong piso ay naghain si 1-SAGIP Representative Rodante Marcoleta na ibaba ito sa isang libong piso. Nagkaroon ng botohan at lumamang ang pumabor na babaan ang budget ng CHR.

Binantaan ni Speaker Pantaleon Alvarez ang CHR na magkaroon ng kakarampot na budget ang nasabing ahensya at ito nga ang nangyari ngayon.

Isa sa naging dahilan ng pagbaba nito ay ang umano’y kakulangan ng ahensya sa pag-iimbestiga sa mga naging biktima ng mga terorista at ilan pang mga krimen sa bansa.

Sinabi na ni CHR Chairperson Jose Luis Gascon ang pangambang baka nga totohanin ni Alvarez na walang silang budget sa susunod na taon.

Ayon pa kay Gascon na naglolokohan sila na kung isang libong piso ang magiging budget nila ang 600 nilang empleyado ay makakatanggap ng tigpipiso at ang natitira ay pang gasolina.

Giit ni Gascon na mas kailangang taasan ang kanilang budget dahil sa sunud-sunod na pagkakapatay sa mga bata o menor de edad.

Sa naging resulta ng botohan lumalabas lang na mukhang maraming mambabatas ang may galit sa CHR kaya naging isang libong piso lang ang kanilang budget.

Kung sa isang pamilya nga ang isang libong budget sa isang buwan ay kulang na kulang papaano pa kaya pagkakasyahin ng isang buong ahensya ito?

Hindi pa pinal ang nasabing budget dahil tatalakayin pa ito sa Senado kaya dapat maghanda sila ng mga dahilan kung bakit kinakailangan nila ng sapat na pondo para sa kanilang ahensya.

Pangatlo na ang CHR na mabigyan ng isang libong budget kabilang ang Energy Regulatory Commission at ang National Commission on Indigenous Peoples.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with