^

Punto Mo

‘Mga Marcos magbabalik yaman’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

MATAGAL nang hinahabol ng ating gobyerno ang umano’y ill gotten wealth ng mga Marcos at meron pa daw mga secret bank accounts sa ibang bansa na aabot daw sa $10 bilyon.

Nagbigay ng pahayag si Presidente Rodrigo Duterte na bukas ang mga Marcos na magsauli ng ilang bahagi ng umano’y sinasabing nakaw na yaman. Hindi lahat pero ilang gold bars daw ang isu-surrender nito sa gobyerno.

Matagal nang usapin ang tungkol sa mga hinahabol na umano’y nakaw na yaman ng mga Marcos nung panahon ng panunungkulan ni dating Presidete Ferdinand Marcos.

Maganda ring manggaling mismo ang mga ito sa mga anak o tagapagmana ng mga Marcos at isa-isahin kung anu-ano ang ibabalik nila.

Kung gustong maging bukas ng mga Marcos ideklara nila ang lahat ng umano’y ill gotten wealth na kinukwestyon sa kanila.

Bakit kaya sa haba ng panahong nagdaan ay ngayon lang naisipan ng mga Marcos na magbalik sa gobyerno ng ilang mga yaman?

Sinabi ni Presidente Duterte na hindi ganun kalaki ang halaga ng mga gold bars. Bubuo din daw ng grupo ang Presidente para makipag-usap sa pamilya Marcos tungkol sa pagbabalik ng mga yaman.

Naghahanap lang siya ng tao para dito at ang isa sa nasa isip niya ay isang Chief Justice at isang accountant.

Minsang binalak ng Presidente na tanggalin ang Presidential Commission on Good Go-vernment (PCGG) na nakatoka sa pagbawi ng mga kayamanan ng mga Marcos ngunit hindi niya ito itinuloy.

Marami ang humihiling kung bakit kailangang ilang bahagi lang ang ibabalik nila at hindi lahat ay ibalik sa gobyerno.

Isa ang mga Marcos sa pinakamakapangyarihan at mayamang pamilya sa buong bansa.

Nagsasauli ng yaman ang mga Marcos jewelry, gold bars. Ang hinihintay kong sabihin nila kung saan nanggaling ito. Ito ba’y ill gotten ba talaga kasi kung hindi bakit mo isasauli? Tama ba? Nagtatanong lang naman.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with