EDITORYAL - Ipagpaliban ang barangay elections
INIIMPRENTA na ang mga balota para sa barangay elections at Sangguniang Kabataan na nakatakda sa darating na Oktubre. Ayon sa Commission on Elections (Comelec) nakahanda sila. Nahahati naman ang opinion ng mga mambabatas sa isyu. May gustong matuloy ito para raw ma-exercise ang karapatan ng mamamayan na maghalal ng barangay officials. Isa pa, nakasaad sa batas na dapat magkaroon ng barangay elections. Dapat noong Oktubre 2016 idinaos ang elections pero isang batas ang nilagdaan ni Pres. Rodrigo Duterte na nagpapaliban dito.
Kung si Duterte ang masusunod, gusto niya wala nang elections at ia-appoint na lamang niya ang bara-ngay chairman. Pero ayon sa mga eksperto, ang pag-a-appoint ng barangay chairman ay unconstitutional.
Malalim ang dahilan kung bakit ayaw ni Duterte na magkaroon ng barangay elections. Gagamitin umano ang drug money para mapondohan ang kakandidatong barangay chairman at iba pang opisyal. Ang pagsawata sa illegal na droga ang nasa isip ni Duterte kaya balak niyang huwag nang magkaroon ng barangay elections. Kung magkakaroon ng election, babaha ang perang pambili ng boto. Ang pera ay magmumula sa drug lords. Kayang-kaya ng drug lords na mamakyaw ng boto sa barangay. Matatakam ang mga botante sa ipamumudmod na pera at tiyak na landslides ang kandidato ng drug lord. Kapag nanalo ang kanyang kandidato, malinaw ang pamamayagpag ng droga sa barangay.
Sa mga talumpati si Duterte, mayroon siyang ipinakikitang listahan ng mga drug suspect at karamihan sa mga ito ay barangay chairman. Malinaw na naghahari ang drug syndicate sa barangay kaya ito ang nais ni Duterte na agarang matigil. At ang tanging paraan para masawata ang mga ito ay ang pagpapa-liban sa barangay election.
May punto ang Presidente rito. Tama ang hakbang niya na huwag nang magdaos ng barangay elections at piliin na lamang ang iluluklok sa puwesto. Maaa-ring pag-aralan ang balak na ito. Malilinis sa droga ang barangay kung ang ipupuwesto ay mga taong pipiliin. Ayon sa report, 90 percent ng mga barangay sa buong bansa ay drug infested. Ipagpaliban ang barangay polls.
- Latest