^

Punto Mo

Tulong ng US sa air strike, tanggapin na

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

ALAM naman ng lahat na may limitasyon ang armas at kagamitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) partikular ang tinatawag na air asset.

Dapat ay ikonsidera na ng ating gobyerno ang alok na tulong ng US sa pagsasagawa ng air strike sa Marawi City na pinagkukutaan ng teroristang Maute na may kaugnayan sa ISIS.

Kung gugustuhin ay maraming paraan upang hindi malabag ang Mutual Defense Treaty at probisyon sa Konstitusyon hinggil sa pagtulong ng ibang bansa.

Sinasabing mabisa at makabago ang armas at kagamitan ng US tulad ng paggamit nito ng drone strike na mas espisipiko ang target at malabong sumablay.

Sa air strike ay maaring sumablay at maging mali ang babagsakang target ng bomba tulad sa naunang nangyari na ang tinamaan ay sarili nating sundalo.

Mas magiging mabilis ang pagtapos sa krisis sa Marawi City kung tatanggapin na ang tulong ng US.

Nakapangangamba kung tumagal pa ito ay baka mas lumawak pa ang krisis at makatakas ang ibang miyembro at lider ng Maute at lumipat ng ibang siyudad sa Mindanao.

Habang maaga. maagapan na sa lalong madaling panahon ang problema sa Marawi City at lubos nang madurog ang teroristang grupo na ito.

Masyadong matagal na ang krisis na ito sa Marawi City na ninanais ng lahat na manumbalik na sa normal ang pamumuhay ng lahat sa Mindanao na ipinaiiral ang martial law.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with