Imbestigasyon ng Senado at Kamara

NAGIGING paulit-ulit na lang ang ginagawang imbestigasyon ng mga mambabatas sa iisang isyu lamang.

Isang halimbawa rito ay ang imbestigasyon sa naka­puslit na illegal drugs sa Bureau of Customs (BOC) na nagkakahalaga sa P6.4 billion.

Nag-iimbestiga ang Se-nate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon at sa mababang kapulungan ay ang House Committee on Dange-rous Drugs na pinamumunuan ni Surigao congressman Ro-bert Ace Barbers.

Panahon na upang mag-usap ang mga Senador at Kongresista upang hindi na madoble ang imbestigasyon.

Tulad kahapon ay nag-imbestiga ang Senado dakong 9:00 a.m. samantalang sa hapon ay ang Kamara naman.

Lagare ang mga resource person mula sa Senado ay sugod naman sa Kamara para humarap sa imbestigasyon.

Sana naman ay kung sino ang maunang mag-iimbestiga ay magpaubaya na ang isa.

Kahapon, bagama’t magkaiba ang komite sa Kamara ay ang Committee on Ways and Means pero ang tumbok pa rin ng imbestigasyon ay ang usapin sa BOC na nalusutan ng illegal drugs.

Umaasa ako na magkaroon na lang ng koordinasyon ang mga senador at kongresista at kung sino ang naunang magdaos na hearing ay huwag nang sabayan o ulitin pa dahil nagbibigay lang ito ng kalituhan sa publiko.

Show comments