Exceptional aging
SINO ba ang ayaw mabuhay nang mahaba? Hindi ba’t sa tuwing kaarawan nino man ay ‘yun ang hinihiling natin? Pero ano ang silbi ng mahabang buhay kung mayroon namang sakit o kondisyon na dala-dala natin? Paano natin mae-enjoy ang buhay kung may limitasyon na sa paggalaw o paglalakbay? Paano kung sa konting aktibidad ay hinihingal na agad? Paano kung hindi na natin makain ang mga pagkaing paborito natin? Paano kung marami nang nananakit na bahagi ng katawan? Paano kung hindi na natin ma-enjoy maski ang pakikipagtalik?
Ano, kung gayon, ang dapat nating gawin upang mapahaba ang ating buhay pero masasabi pa ring quality living? Sa halip na magpokus tayo sa paghanap ng tinatawag na “fountain of youth”, ang dapat nating gawin ay tingnan ang ilang mga pananaliksik na nagpapabuti sa pangkabuuang kalusugan ng isang tao. May mga nagsasabing baka stem cell therapy ang solusyon; meron ding nagsasabing mga “anti-aging solution” siguro ang lunas. Pero bigo ang maraming procedures at therapy upang makamtan ang mahabang buhay na may kalidad. Maaaring may maidudulot itong benepisyo pero baka pansamantala lamang.
Dito lalabas ang tinatawag nating “exceptonal aging.” Ayon sa mga mananaliksik, ang ibig sabihin ng exceptional aging ay ang pagkakaedad o pagtanda na walang kapansanan sa pisikal na pangangatawan at pag-iisip o di kaya ay ang kawalan ng alin man sa anim na maituturing na “major chronic diseases” – sakit sa puso (coronary heart disease), stroke, diabetes, kanser, chronic obstructive pulmonary disease at Parkinson’s disease.
Pinili ng mga mananaliksik ang anim na sakit na ito sapagkat ito ang mga pinaka-karaniwang medical conditions na may kaugnayan sa pagkakaedad. Ang pag-aaral na ito ay nalathala sa JAMA; The Journal of the American Medical Association kung saan sinubaybayan nila sa loob ng 40 taon ang 5,820 na kalalakihan. Sa naturang pag-aaral, nakita nilang ang taong wala nitong anim na sakit (sa kalalakihan) ang kadalasang umaabot ang edad sa gulang na 85. At isa lamang ang umabot sa edad 85 kahit meron siya ng ganitong kondisyon.
Heto ang nakita nilang common denominators sa mga taong nabuhay nang mas mahaba:
1. Nasa tamang timbang ang katawan.
2. Maayos ang blood pressure.
3. Maayos ang blood sugar level.
4. Mababa ang triglyceride level.
5. Walang kasaysayan ng paninigarilyo.
6. Walang kasaysayan ng matinding pag-inom ng alak.
7. Malakas ang sinasabing grip strength o malakas ang muscles.
8. May asawa o kapartner.
9. Nakapag-aral ng higit pa sa 12 taon.
- Latest