^

Punto Mo

EDITORYAL - Babala: Mag-ingat sa dengue at leptospirosis

Pang-masa
EDITORYAL - Babala: Mag-ingat sa dengue at leptospirosis

KAHAPON, matindi ang pagbahang naranasan sa Rizal province. Maraming bayan ang nalubog dahil sa ilang araw na pag-ulan dahil sa habagat. Sinuspinde ang klase sa maraming bayan.

Bumaha rin naman sa Maynila at ilang lugar sa Quezon City. Sabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) makakaranas pa ng pabugsu-bugsong pag-ulan ang Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon. Ayon pa rin sa PAGASA, dalawa o tatlong bagyo ang dadalaw sa bansa ngayong Agosto.

Kapag bumaha, dalawang sakit ang nanalasa --- ang dengue at leptospirosis. Ang mga sakit na ito ay lubhang delikado at dapat mag-ingat ang mamamayan.

Ang dengue ay nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes Aegypti. Mabilis dumami ang mga lamok na ito. Madaling makikilala ang Aedes Aegypti dahil batik-batik ang katawan. Kadalasang sa araw ito nangangagat. Karaniwang biktima ng lamok ay mga bata. Sintomas ng dengue ang lagnat, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat, pananakit ng ulo at kasu-kasuan.

Ang paglilinis sa kapaligiran ang panlaban sa mga lamok na may dengue.

Itapon ang mga basyong bote at lata, tinapyas na gulong ng sasakyan, mga paso ng halaman at marami pang iba na paboritong tirahan ng mga lamok. Linisin din ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig.

Ang leptospirosis ay nakukuha kapag naglakad sa baha ang taong may sugat sa paa o binti. Kung may sugat, posibleng dito pumasok ang mikrobyong leptospira na nagdadala ng leptospirosis.

Ang mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, nahihirapang umihi, naninilaw ang balat at namumula ang mga mata. Karaniwang lumalabas ang sintomas makaraan ang pitong araw. Kailangang dalhin agad sa doktor ang biktima sapagkat maaari itong mamatay.

Magtulung-tulong sa paglipol sa mga daga na naghahatid ng leptospirosis. Ang unang hakbang ay ang pagpapanatili ng kalinisan sa paligid at sa loob ng bahay. Kung malinis at maayos ang pagtatapon ng basura, walang mabubuhay na daga.

Mag-ingat sa dengue at leptospirosis sapagkat marami nang nabiktima ang mga sakit na ito.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with